Showbiz News

Anak ng wood carver, kabilang sa natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa Laguna

By Marah Ruiz

Lubos ding apektado ng COVID-19 pandemic ang industriya ng wood carving sa lugar.

Ang kinikita noon ni Noel na PhP500 kada araw, naging mahigit PhP200 na lang.

Hindi ito sapat para sa kanyang anim na anak.

Dagdag pa sa alalahanin ni Noel ang mga gagastusin para sa parating na pasukan.



"Tiis lang tayo. Ipagpatuloy lang natin ang pag-ukit. Habang may buhay, may pag-asa," pahayag niya.

Buti na lang, kabilang ang bunsong anak ni Noel sa mga natulungan ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project ng GMA Kapuso Foundation.

Nahandugan siya ng bag na may kumpletong school supplies at anti-COVID kit, na may lamang face mask, alcohol at sabon.

Bukod dito, nagbigay din ang GMA Kapuso Foundation ng grocery packs para kay Noel at kanyang pamilya.

Layunin ng Unang Hakbang sa Kinabukasan ang makapag-abot ng school supplies sa 80,000 estudyante sa parating na pasukan.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Department of Education Division of Laguna at Philippine Army 2ID (202nd Bde, 1st Bn, 22nd Reconnaissance Company) sa proyekto.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito: http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate