Showbiz News

WATCH: Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice and Gelli de Belen's K-Drama chikahan

By Maine Aquino

Isang nakakatuwang K-Drama bonding ang ginawa nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice at Gelli de Belen.

Sa vlog ni Carmina, nag-usap silang magkakaibigan tungkol sa kanilang pagsisimula sa pagkahilig sa K-Drama pati na rin ang mga paborito nilang shows at review nila rito.


Una umanong nahilig sa K-Drama si Candy at nagsimula siya noong 2007 or 2008. Ang naka-influence sa kanya manood ay ang kanyang kapatid.

Ayon kay Candy, "Pinakitaan ako ng isa. Tapos dahil nga parati akong pumupuntang therapy ni Quentin at para hindi ko marinig yung iyak, bumili ako ng disc at ilalagay ko sa tenga ko, nanonood ako the whole time."

Kuwento pa ni Candy, una niyang napanood ay ang Princess Hours. Noong nasa Coffee Prince na siya ay na-convince na niyang manood na rin si Gelli.

"Si Gelli in-encourage ko kasi mas madali siya i-encourage." Natatawang pag-amin ni Candy.

Kuwento naman ni Gelli, interesado na siya noon sa K-Drama dahil sa My Name Is Kim Sam-soon.

"Bago mo ako in-encourage, I was interested sa Kim Sam-soon na hindi ko pa napapanood at that time. Sabi ko parang gusto kong panoorin."

Si Janice ay inaming ang K-Drama actor na si Lee Min-ho ang dahilan kung bakit siya nanood ng K-Dramas.

"Kasi nga in-interview ko siya. Pero wala pa akong interes, pero dahil na-cute-an ako sa kanya...Sabi ko saan ba ito mapapanood itong si Lee Min-ho. Sabi niya sa akin sa The Heirs ako mapapanood."

Natatawang dagdag pa ni Janice, "Sinabi niya talaga sa akin kasi katabi ko siya e noong pina-plug niya sa TV so sinabi niya sa akin kasi audience ako. Na-curious ako, pinanood ko."

Inamin pa ni Janice sa vlog na sa sobrang pagkagusto niya kay Lee Min-ho ay araw-araw niya itong pinanood.

"Magmula noon, araw-araw ng mga tatlong taon." Natatawang pag-amin ni Janice.

Panoorin ang kabuuan ng kuwentuhan nina Carmina, Candy, Gelli at Janice.


UP is now offering Korean Drama as an elective

5 Times EXO's Chen proved he's the King of K-drama OSTs