Showbiz News

Lolit Solis, bilib kay Sanya Lopez

By Cherry Sun

Bilib si Lolit Solis kay Sanya Lopez dahil sa itinatakbo ng career ng Kapuso actress ngayong 2020.

Kahit may COVID-19 pandemic ay bongga ang career ni Sanya. Tuloy pa rin kasi ang kanyang programang Agimat kasama si Bong Revilla at kamakailan ay ipinagkatiwala naman sa kanya ang title role ng First Yaya kung saan makakatambal naman niya si Gabby Concepcion.

Komento ni Lolit tungkol dito, “Talagang ang laking suwerte ni Sanya Lopez ang taon 2020 Salve ha. Imagine mo, maging leading man mo sila Bong Revilla at Gabby Concepcion sa 2 tv show ngayon panahon ng pandemic, tunay ngang blessing sa langit na maituturing.

“After this two big breaks sa career niya, puwede ng sabihin na nasa top list na siya ng mga leading ladies na pagpipilian.”

Masuwerte man ang turing ng beteranang talk show host at manager kay Sanya, pansin din niyang puno ng blessings ang Kapuso actress dahil sa dedikasyon at husay nito sa pagtatrabaho.

Patuloy ni Lolit, “Focus kasi sa kanyang career kaya hindi kataka-takang mabigyan ng malalaking projects, at siguro nga masarap katrabaho kaya naman welcome ang lahat pag pinipili siya bilang cast ng anuman project. Maganda ang naiibang charm at personalidad ni Sanya kaya madali siyang magkaruon ng chemistry sa mga nagiging leading man niya. Well, break a leg Sanya, malaking challenge ang hinaharap mo. Goodluck.”

Fans ni Sanya Lopez, nag-celebrate nang ianunsyong siya ang napili para sa 'First Yaya'

LOOK: Sanya Lopez's prettiest photos