What's Hot

Family Time: Delivery driver na working student, inspirasyon ng marami online

By Aedrianne Acar
Published October 21, 2020 11:40 AM PHT
Updated October 21, 2020 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Family Time episode


Walang imposible basta may sipag at tiyaga. Ito ang pinatunayan ng delivery rider na si Francis Jan Ax Valerio na pinagsasabay ang trabaho at kanyang pag-aaral para mapabuti ang lagay ng kanyang pamilya. Tunghayan ang inspiring story niya sa Family Time. READ IT HERE!

Challenging para sa maraming estudyante ang online classes dulot ng COVID-19 pandemic. Bukod sa dami ng aaralin, masuwerte na kung maayos ang internet connection.

Pero paano kung isa kang working student na kailangan din kumayod araw-araw para makapag-aral at mabuhay ang iyong pamilya?

Ito ang inspiring story ng Family Time kung saan mas lalo nakilala ang Grab delivery driver na si Francis Jan Ax Valerio.

Matatandaan na nag-viral ang post kung saan makikita ang photo ni Ax na pumarada sandali para lamang maka-attend ng kanyang online class.

Sa one-on-one interview ni Drew Arellano kay Ax, ibinahagi niya ang rason kung bakit naisipan niya pasukin ang pagiging delivery rider.

Saad niya, “Motorsiklo po ang gamit namin sa pagde-deliver. So pinasok ko po 'yun kasi, sobrang flexible po 'yung time na binigay sa akin, tsaka puwede ko mapagsabay talaga 'yung trabaho at pag-aaral.

“Kasi puwede po ako mag-stop kung gusto ko mag-aral muna.”

Mahirap man, kinailangan ni Ax kumayod matapos ma-stroke ang kanyang ama nitong pandemic at tumigil naman sa trabaho ang nanay niyang si Jeanette Valerio, na isang government employee, para alagaan ang asawa.

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Mommy Jeanette sa sakripisyo ng anak na si Ax.

Sabi niya sa panayam sa Family Time, “Ako po ay nagpapasalamat talaga sa Panginoon na nabigyan ako ng katulad niya, dahil kung wala siya sa panahon ngayong pandemic malamang di ko na alam kung papaano, dahil nagkasakit ang kanyang ama.

“Sana po ay matupad niya ang kanyang pangarap sa pagsisikap na 'to.

Ibinahagi din niya kay Daddy Drew kung paano ang takbo ng isang buong araw para sa kanya bilang delivery guy at working student.

Tugon niya, “Gumigising po ako 8 AM ng umaga tapos lalabas ako mga 10, kasi mag-aasikaso pa ako sa bahay.”

“Hinahabol ko po 'yung oras, sa peak hour po ako bumibiyahe kaya 10 AM lalabas na po ako, kasi doon na po 'yung kasagsagan ng orders kasi magta-tanghalian na

“Nagi-start siya usually 11 pag tapos na po ako, hihinto lang po ako sa kahit saan na po ako abutan, kahit saan makarating. Basta kung saan po medyo tahimik, tsaka medyo maayos 'yung signal doon po ako pumupunta.” dugtong ni Ax.

Nakakalungkot din na malaman na sa panahon ngayon nahihirapan sa online class ang tulad ni Ax dahil lamang sa hindi maayos na internet connection sa ating bansa.

Paglalahad nito, “Wala po kasi talagang stable na internet connection, sobrang bagal po kahit 'yung data na 4G. Wala naman po kasi ako magagawa, dahil wala din po internet sa bahay, kaya 'di rin ako makauwi.”

Watch the heartwarming story of Francis Jan Ax Valerio on Family Time in the video above.

Related content:

Family Time: Pinoy mom cooks Filipino dishes for her Fil-Am twins and stepdaughters

Drew Arellano admits to reducing his TV work to spend more time with his family

Family Time: Why laugh in the midst of the ongoing COVID-19 pandemic?