Showbiz News

Chynna Ortaleza commends GMA for airing same-sex kissing scene in 'I Can See You'

By Cara Emmeline Garcia

Isa si Idol sa Kusina host Chynna Ortaleza sa natuwa sa pag-ere ng kontrobersyal na kissing scene sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly. na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos.

Ani Chynna sa Twitter, isang bold move daw ito para sa GMA Network lalo na't matagal nang ipinagbabawal ang pagpapakita ng skinship sa pagitan ng dalawang tao na pareho ang kasarian.

“The advancement,” puna niya.

“I remember struggling with the idea that expressions of love between the same sex on television were frowned upon and monitored ever so closely during the time of 'My Husband's Lover' and 'The Rich Man's Daughter.'

“P'wede na po ngayon? Maraming salamat kung ganun.”

Maalala na noong ineere ang My Husband's Lover noong 2013, maraming netizens ang na-disappoint sa hindi pag-ere ng GMA Network ng kissing scene nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa series finale nito.

Ganito rin ang nangyari sa finale episode ng The Rich Man's Daughter na pinagbibidahan naman nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro kung saan inabangan ng netizens ang paghalik ng dalawang bida.

Pero noong Lunes, October 19, ikinagulat ng netizens nang umere ang paghalik nina Jennylyn at Rhian sa pilot episode ng drama anthology series kaya naman nag-trend ito kaagad sa Twitter Philippines.

Ang I Can See You: Truly. Madly. Deadly. ay tungkol sa kuwento ni Coleen (Jennylyn Mercado) na isang resort manager na tinakasan ang kanyang nakaraan.

Lumipat siya sa remote na resort pagkatapos niyang masangkot sa isang iskandalo na nag-viral online.

Gugulo ang kanyang mapayapang buhay nang dumating ang kanyang friend-turned-enemy na si Abby (Rhian Ramos), isang sikat na vlogger at out and proud na lesbian, sa kanyang resort.

Ano ang mangyayari kung magkita sila muli?

Huwag palalampasin ang kapanapanabik na mga eksena sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.