Showbiz News

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo denounces allegations of cheating: 'I played the game right and fair'

By Dianara Alegre

Nahaluan agad ng kotrobersiya ang pagkapanalo ni Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines 2020 nang umalma si Taguig City representative Sandra Lemonon sa umano'y dayaan na nangyari sa kompetisyon.

Dahil dito, umugong sa social media ang mga komento na kasama umano ni Rabiya ang kanyang glam team, gayong isa ito sa mga ipinagbawal ng kompetisyon.

May nag-akusa rin na ibinigay sa kanya ang tanong in advance para sa Q&A portion.

Itinanggi naman lahat ni Rabiya ang mga akusasyon at iginiit na lumaban siya ng patas.

“As much as I want people to love me, hindi naman kasi lahat magugustuhan ako. And that doesn't make me less of a queen.

“So ngayon, it's a test of character, a test of faith pero alam ko kasi na I played the game right and fair,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Naiintindihan din umano ng beauty queen na hindi siya magugustuhan ng lahat ng tao ngunit aminado rin siya na nasasaktan siya sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

“Some of the girls din na may sinasabi. They've been my friend din during the competition and hindi naman ganu'n 'yung treatment nila sa akin all throughout.

“So, I'd like to still remember them as somebody who were there nung nahihirapan ako, when I was struggling, rather than those people who are bitter about my success.

“I need to understand where they're coming from,” lahad pa ni Rabiya.

Si Rabiya ang kinoronahan sa first-ever Miss Universe Philippines 2020 pageant nitong Linggo, October 25.

Kapag di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.