Showbiz News

Alfred Vargas, taos-puso ang pasasalamat sa nakaalala sa kanyang 41st birthday

By Aedrianne Acar

Ramdam ng Encantadia star na si Alfred Vargas ang labis na pagmamahal ng mga tao sa kanya nang ipagdiwang niya ang kanyang 41st birthday noong Sabado, October 24.

Sa Instagram post ng actor-politician kahapon, October 27, nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga natanggap niyang birthday greetings.

Nagsisilbi siya ngayon bilang congressman ng 5th district ng Quezon City.

Ani Alfred, “Still can't get over the overwhelming birthday greetings and well-wishers these past few days Again, maraming salamat sa lahat nang nakaalala.

“Salamat sa pagmamahal. To all my IG friends, thank you sa inyong lahat. I will keep on sharing wonderful and personal memories with you!”

Makikita naman sa comment section ng kanyang post na isang netizen ang nag-komento na mas bagay kay Alfred ang dati niyang hitsura.

Marami ang nakapansin na mas fit ang pangangatawan ngayong ng aktor.

Agad naman nag-react ang kanyang misis na si Yasmine Vargas at sinabing mas maganda ang hitsura ngayon ng kanyang mister.

Napanood last October 19 si Congressman Alfred sa hit segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgmental kung saan pinagpilian niya ang ilan sa magagaling na Pinoy drag queens.

Related content:

#Quarantoned: Alfred Vargas's weight loss transformation