What's Hot

Allen Ansay, 'di pa ma-contact ang pamilya sa Camarines Sur mula nang tumama ang Bagyong Rolly

By Dianara Alegre
Published November 3, 2020 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay


Ayon kay Allen Ansay, nitong Sabado, October 31, niya huling nakausap ang kanyang ina at mga kapatid na nasa Camarines Sur.

Ibinahagi ni Kapuso actor Allen Ansay na kabilang ang kanyang pamilya na nakatira sa Sagñay Camarines, Sur sa mga naapektuhan ng Bagyong Rolly na sumalanta sa lugar at iba pang bahagi ng bansa nitong nakaraang linggo.

Sa panayam ng 24 Oras kay Allen nitong Lunes ng gabi, November 2, sinabi niyang hindi pa niya nako-contact ang pamilya niya simula nang manalasa ang bagyo.

Source: itsmeallenansay (IG)

“Grabe talaga 'yung lakas ng bagyo kasi last na tawag sa amin ni Mama, nu'ng Sabado bago pumasok 'yung bagyong Rolly.

“Nag-signal number 4 sa amin. Tapos ang huling tawag sa amin ni Mama, sobrang lakas ng hangin tapos biglang napuputol 'yung signal hanggang sa hindi na naming ma-contact si Mama,” ani Allen.

Bukod sa ina at dalawa niyang kapatid, nag-aalala rin ang aktor sa iba pa niyang mga kamag-anak doon dahil wala pa umano siyang natatanggap na balita mula sa kanila (as of November 2).

“Nakakaba kasi lahat ng pamilya ko nandu'n. Nandu'n 'yung mga lola ko, mga pinsan ko,” dagdag pa niya.

Isa ang lalawigan ng Camarines Sur sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Samantala, bukod kay Allen, nag-alala rin si Encantadia actress Glaiza De Castro para sa kaligtasan ng mga magulang niya na nasa Baler, Aurora.

Source: glaizaredux (IG)

Nakabalik na ang aktres sa Maynila bago pa man humagupit ang bagyong Rolly, at naiwan sa probinsiya ang kanyang ina at ama.

“Every now and then nagse-send kami ng message sa kanila. Nu'ng nabalitaan namin na strongest typhoon itong paparating, siyempre nag-aalala,” aniya.

Dagdag pa niya, panatag naman daw ang kalooban ng kanyang mga magulang doon dahil may mga kaibigan at kapitbahay silang maaasahan.

“Si nanay at si tatay kumbaga parang panatag naman sila na okey sila do'n, na may mga makakasama naman sila.

“May mga friends kami du'n, kapitbahay,” aniya pa.

Panoorin ang 24 Oras report sa itaas. Kung hindi naman naglo-load nang maayos ang video, maaari itong mapanood DITO.