TV

Lovi Poe at Benjamin Alves nagpakilig sa virtual table read ng 'Owe My Love'

By Cherry Sun

Tiyak na mapapa-#SanaAll kayo sa pagpapakilig nina Lovi Poe at Benjamin Alves at pati na nina Jelai Andres at Jon Gutierrez sa ginawang table read ng upcoming Kapuso rom-com series na Owe My Love.

Matapos ang ilang buwang pagkaka-quarantine, muling nagsama-sama virtually ang star-studded cast ng Owe My Love para mag-table read bago sumalang sa kanilang lock-in taping. At kahit nagbabasa pa lang ng script, ramdam na agad ang chemistry ng cast members.

Naunang nagpatikim ng kilig ang bidang sina Lovi at Benjamin bilang sina Sensen Guipit at Doc Migs Alcancia. Binasa nila ang bahagi ng script kung saan pinag-uusapan nila ang isang kasunduan para magpanggap si Sensen na asawa ni Doc Migs.

Hindi naman nagpahuli sina Jelai at Jon na gaganap sa programa bilang sina Jenny Rose Guipit at Eddie Ganondin. Mapapanood sa ginawa nilang table read na nagpapa-impress si Eddie kay Jenny Rose at pansin naman ng huli ang ka-sweet-an nito.

Mapapanood din ang ginawang batuhan ng classic lines from Pinoy movies nina Aiai Delas Alas bilang Vida Morales at Jackie Lou Blanco bilang Divina Advincula.

Panoorin:

Ang Owe My Love ay mapanood sa taong 2021.