Showbiz News

Donnalyn Bartolome, nag-donate ng rescue boats sa Marikina at Rizal

By Cherry Sun

Nag-donate ng rescue boats ang singer-actress na si Donnalyn Bartolome () bilang tugon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses kahapon, November 12.

Personal na nagtungo sa Marikina si Donnalyn upang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan ng rescue sa lugar at pati na rin sa Rizal.

Bago pa man magtanghali kahapon ay nanawagan na siya ng volunteer rescuers dahil magdo-donate daw siya ng rescue boats.

Naging mabilis din ang tugon ng netizens at nakapagbigay agad ng update si Donnalyn.

Aniya, “We got big boats in a truck on the way to Rizal and Marikina. Rescuers are complete. Marikina* resident rescuers for Marikina* and Rizal Chairman will lead rescue for Rizal. They'll just send proof of proper use ng boats solely for rescuing people and animals. THANK YOU for helping me find rescuers. I don't know anyone from the areas affected so I really needed it. Rest your hearts, we'll get through this.”

Isa pang post ang kanyang ibinahagi upang ipakitang nakarating na ang kanyang donasyon sa Marikina.

Samantala, kagabi ay nag-Facebook Live din kagabi si Donnalyn para humingi pa ng karagdagang tulong sa Coast Guard dahil, aniya, marami pa rin ang nangangailangan ng tulong.

Sinulat niya sa kanyang live video, "NAKITA KO PO YUNG ACTION NIYO SA MARIKINA I WAS THERE THANK YOU SO MUCH PERO SANA PO SA RIZAL NAMAN PO TAYO. PASENSYA NA PO SA ISTORBO ANDAMI TALAGA LIFE AND DEATH SITUATION NA PO PLEASE

"UPDATE: MAY NAKAUSAP NAKO OFFICIAL GUYS CONTACT FOR COASTGUARD THANK YOU. KAPIT LANG TAG NIYO DIN MGA KAKILALA NIYO FROM COASTGUARD INCASE.

"**ANOTHER UPDATE: Nagpadeploy na daw ng coastguard from Marikina!!! SEE MYDAY for updates REST YOUR HEARTS!! Madami angels!!
SEND MESSAGE TO Arjelyn Butcon Regis AREA NA WALANG DUMADAAN NA RESCUE.

"RIZAL RESIDENTS HELP US FIND YOU

"THANK YOU PHILIPPINE COASTGUARD SA HELP!!!! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻"

Bukod kay Donnalyn, ilang celebrities din ang gumamit ng kanilang social media influence upang magkalat ng impormasyon at maghatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Tatlong beses nag-landfall ang Typhoon Ulysses--una, sa Patnanugan, Quezon; pangalawa, sa Burdeos, Quezon; at huli sa General Nakar, Quezon--bago ito lumabas ng bansa kahapon, November 13.