Showbiz News

Crystal Paras, masayang napabilang sa BL series na 'Boys' Lockdown'

By Maine Aquino

Masaya ang StarStruck season 7 graduate na si Crystal Paras na parte siya ng isang digital series na trending ngayon sa social media.

Si Crystal ay gumaganap na Dev sa BL or "Boy's Love" series na Boys' Lockdown na binuo ng Ticket2Me and Bit by Bit Company.

Saad ng aktres sa kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, "I'm really happy. I'm glad na nabigyan ako ng chance ng Artist Center at ng Ticket2Me to portray the role of Dev sa Boys' Lockdown. I've made really good friends. Sobrang babait po nilang lahat."

Photo credit: @crystalparas

Nagpasalamat din si Crystal sa bumubuo ng Boys' Lockdown at sa GMA Artist Center dahil napabilang siya sa ganitong klaseng proyekto.

"The company itself, grabe sila mag-alaga. And same of course with Artist Center, sila naman po 'yung rason kung bakit din po ako nakasali. I'm glad na pinayagan nila akong lumipad kumbaga and to explore a material like that."

Inamin ni Crystal na proud siya sa proyektong ito dahil sa hirap at pagod sa pagbuo nito at natapat pa ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"I'm really proud of the work na nagawa namin. Proud ako sa output ng buong production team ng Boys' Lockdown. Grabe po 'yung hirap, 'yung pagod, at oras na nilaan namin para magawa 'yun in ten days."

Dugtong pa ni Crystal, malungkot man siya sa nalalapit nitong pagtatapos, umaasa siya na maraming makaka-appreciate sa digital series na kanilang ginawa.

"We're down to the last two episodes so medyo malungkot ako matatapos na siya. Pero it's going to be on YouTube forever so sana as the years go by, maraming ma-expose pa sa ganung material, sa ganoong content."

Related links:

Crystal Paras, may mensahe para sa pagbubuntis ng kanyang lolang si Phoemela Baranda

IN PHOTOS: Cast ng 'The Lost Recipe,' sumailalim sa isang kitchen training