Showbiz News

Andrea Torres, ibinahagi ang kanyang tanging Christmas wish

By Bianca Geli

Single man sa darating na Pasko, hindi raw nito maaapektuhan ang Christmas plans ni Andrea Torres.

Tila naging biyaya kay Andrea ang sunod-sunod na projects niya ngayong kapaskuhan.


Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Andrea ang mga plano at hiling niya para sa darating na Pasko.

Nakaugalian na ni Andrea na ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya at ito rin ang balak niya ngayong taon.

"Magiging memorable po siya kasi ang dami nating pinagdaanan this year. Feeling ko mas mabigat 'yung dating sa atin ng pag-celebrate ng Christmas."

Ang tanging hiling ni Andrea ngayong Pasko ay maging maayos ang kalagayan nila ng kanyang pamilya. "Ang gusto ko lang ay maging healthy 'yung family ko at magkasama-sama na kaming lahat.

Pagdating naman sa kanyang career, naghahanda na si Andrea para sa lock-in taping ng Legal Wives, "Actually, ipinagdasal ko ito, nami-miss ko na magtrabaho. Sana maraming trabaho ang pumasok."

Samantala, nagulat daw si Andrea sa karakter niya para sa Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi, dahil hindi niya inakalang mayroong babaeng nambubugbog ng mister. Makakasama ni Andrea sa episode si Juancho Trivino bilang battered husband ni Andrea.

"First time kong maka-encounter ng ganito na ang babae ang nananakit ng lalaki at 'yung lalaki grabe 'yung pagmamahal niya sa misis niya, kasi kahit ganito po 'yung setup nila, talagang nagho-hold on siya doon sa relationship."

Matindi rin daw ang paghahanda ni Juancho para sa karakter niya sa Magpakailanman, aniya, "Two weeks ko siyang pinaghahandaan, 'yung character, 'yung archetype na handa kong gamitin kapag sumabak na ako sa taping."

Dagdag niya, I think ito ang pinakamatagal kong pinaghandaan na character in my eight years in show business.

Makakasama rin nila Andrea at Juancho si Angela Alarcon sa episode. "First time ko rin mag-portray ng role na may rape scene. It was very challenging, but with the help of Direk Neal [del Rosario], nagampanan ko naman po nang maayos 'yung role ko. Sobrang supportive din po ng mga co-actors ko na sina Ate Ada and si Juancho."