TV

Angela Alarcon, gustong magbigay ng lakas ng loob sa mga nakararanas ng pang-aabuso sa kanyang '#MPK' episode

By Marah Ruiz

Bahagi si Kapuso actress Angela Alarcon ng fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.



Gaganap siya sa episode bilang Anna, ang kababata ng first love niyang battered husband na si Mark, na gagampanan naman ni Kapuso actor Juancho Trivino.

Kasama rin sa episode si Andrea Torres na gaganap naman bilang mapanakit na asawa ni Mark na si Arlene.

Para kay Angela, marami daw mapupulot na aral sa kanilang episode.

"Gusto ko talaga matutunan ng mga viewers sa episode na ito is 'yung respeto talaga. Kahit gaano pa katagal 'yung isang relasyon, communication pa rin kasi talaga 'yung susi para maayos 'yung mga bagay bagay and never violence talaga.

"Hindi mo masasalba 'yung relationship kapag inunahan mo ng pang-aabuso or violence," pahayag ni Angela sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 24.

Nais din niyang hikayatin ang mga nakararanas ng pang-aabuso na magsalita at magsumbong sa pamamagitan ng #MPK episode na ito.

"Sa mga nagsu-suffer ng mga violence sa mga relationship, gusto ko rin matututo 'yung mga viewers na maging mas brave pa to come forward or mag-report agad sa mga kakilala nila na trusted na mga kapamilya or trusted authorities.

"Kapag may senyales na ng pang-aabuso sa mga relationship nila, mag-come forward na sila agad para hindi na mas lumala pa," aniya.

Abangan si Angela sa fresh at brand new episode na "Mister, Bugbog Kay Misis" ngayong Sabado, November 28, 8:15 p.m. sa #MPK.

Silipin din ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: