Showbiz News

'Daddy's Gurl' star Kevin Santos, ipinasilip ang kanyang graduation photo

By Aedrianne Acar

Proud moment para sa Daddy's Gurl comedian na si Kevin Santos nang ipinasilip niya sa followers niya sa Instagram ang kanyang graduation photo sa Arellano University.

Nakatakdang magtapos sa kursong AB Political Science si Kevin Santos o Kayvin A. Santos sa totoong buhay.

Maraming netizens naman ang natuwa sa bagong achievement na ito ni Kevin na gumaganap bilang Daboy sa high-rating sitcom nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

Matatandaan na batchmate ng comedian sa season two ng StarStruck ang ilan sa mga kilalang Kapuso stars tulad nina Megan Young, Mike Tan, at LJ Reyes.

Related content

EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'

Direk Chris Martinez, ipinasilip ang fresh episode ng 'Daddy's Gurl'