Showbiz News

Makulay Ang Buhay: Usapang halaman at pagtatanim with Plantita Maey Bautista

By Jansen Ramos

Ngayong 2020, handog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang 'Mom C' kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa 11th episode nito, pinag-usapan nila ang kahalagahan ng pagtatanim ng gulay kasama ang cerified 'plantita' na si Maey Bautista.

Maraming benefits ang pagtatanim sa sariling bakuran dahil masisiguradong fresh, safe, at malinis ang inyong mga aanihing gulay.

Bukod pa rito, perfect bonding activity ito para sa mga mommy kasama ang kanilang kids at may health benefits din dahil maaari silang maarawan na good for the the bones and teeth.

Kaya naman sa lutong nanay recipe ni Mom C, naghanda siya ng sinampalukang manok na may mga sahog na gulay mula sa kanyang bakuran--ang usbong ng sampalok.

Ang usbong ng sampalok ay source ng beta-carotene na nakakatulong sa pagpapalinaw ng paningin. Mayroon din itong iron at Vitamin C na nakakatulong sa pagpapalakas ng resistensya.

Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay dito:

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure tuwing Martes, 9:30 a.m, sa Makulay Ang Buhay na mapanonood sa GMA Network.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.