Showbiz News

Jeremy Sabido reveals what helped him overcome depression this COVID-19 quarantine

By Jansen Ramos

Inamin ng StarStruck Season 7 graduate na si Jeremy Sabido na nakaranas siya ng depression ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Ayon sa panayam ng GMANetwork.com kay Jeremy sa Kapuso Brigade Zoomustahan ngayong araw, December 1, ang pagkakalayo nila ng kanyang ama ang nagdulot ng kanyang kalungkutan.

Bahagi niya, "During the past lockdown days, magkalayo po kasi kami ng dad ko so nakaramdam po ako ng konting depression. No'ng na-lockdown po ako, andito po ako sa Pasig and siya po ay nasa Liliw, Laguna."

Buti na lamang daw ay may malakas siyang suppport system kaya mabilis niyang nalampasan ito.

Madalas daw silang mag-bonding ng kanyang mga kapatid at ang paborito nilang gawin ay mag-movie marathon.

Bukod sa maganda itong pampalipas-oras, nanonood sila ng mga pelikula na may kinalaman sa mental health bilang paghahanda ni Jeremy para sa kanyang new soap na Ang Dalawang Ikaw. na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. Sa serye, gaganap si Jeremy bilang King, best friend ni Nelson na gagampanan ni Ken.

Kuwento ni Jeremy, "Sinasabayan ako ng mga kapatid ko na mag-movie marathon para makakuha 'ko ng scene na bagay do'n role ko kasi, siyempre, kinakabahan ako kasi sobrang galing ni Ms. Rita Daniela and Mr. Ken Chan."

Samantala, nagbigay naman ng tip si Jeremy para maibsan ang depression ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Advice niya, "Prayers po, unang una, and share your story para you can feel na may nakikinig sa 'yo, may nakakaintidi. And, at the end of the day, mare-realize mo na, maco-conquer mo 'yung mental issues mo. Be brave, don't lose hope."

Nakilala si Jeremy nang sumali sa StarStruck Season 7 kung saan kabilang siya sa Top 10.

Matapos sumali sa reality artista search, naging parte ang aktor ng afternoon drama na Madrasta.