Showbiz News

Sakristan, nasadlak sa prostitusyon dahil sa utang sa bagong 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng pag-asa at inspirasyon ng bagong Wish Ko Lang ngayong panahon ng Kapaskuhan. Ngayong Sabado, tampok ang kuwento ng isang sakristang napilitang pumasok sa mundo ng prostitusyon dahil sa utang.

Si Joel Palencia bilang sakristan / Source: Wish Ko Lang

Ang Eat Bulaga “That's My Bae” finalist na si Joel Palencia ang gaganap sa kontroberysal na role ng sakristan na nasadlak sa prostitusyon.

Kasama rin niya sa “Sakristan” episode sina Carlos Agassi, Tina Paner, Yvette Sanchez, at Kyle Ocampo.

Isa sa mga eksena sa “Sakristan” episode / Source: Wish Ko Lang

Ayon kay Joel, naka-relate raw siya sa kanyang karakter dahil minsan na siyang nakaranas ng financial problem.

“Nagkaroon na po ako ng financial problem na 'di ko po alam kung paano ko mababayaran ang monthly bills ko. Ang solusyon ko po nung time na 'yun, e, ibenta 'yung mga gadgets na meron ako.

“Pero 'di natuloy 'yun kasi nung time na 'yun nagdadasal ako na 'wag ako pabayaan, kaya nagulat po ako na biglang may mga trabahong pumasok sa'kin na 'di ko inaasahan.”

Sina Joel Palencia at Tina Paner / Source: Wish Ko Lang

Samantala, iginiit naman ng aktres na si Tina Paner na dapat huwag husgahaan ang mga taong pumapasok sa prostitusyon.

“Iba't iba ang reason kung bakit pumapasok ang isang tao sa prostitusyon.

"Para sa akin, dapat hindi natin sila husgahan at pandirihan. Bagkus, pang-unawa at pagtanggap ang dapat natin iparamdam sa kanila.”

Ganito rin ang pananaw ng aktor na si Carlos Agassi. Sa halip na husgahan, dapat daw silang tulungan.

“Dapat sila tulungan, I'm sure they are working as a prostitute because to them that's the easiest way to make money.

“Hopefully, the government or charitable institutions could find ways to give these people work or a program to give them livelihood para ma-sustain nila ang trabaho at hindi na nila kailagan mag-prostitusyon.”

Nagbigay rin si Carlos ng payo sa mga taong napilitan o nagbabalak na pasukin ang mundo ng prostitusyon.

“My advice is for them to look for something they are good at and make that their job.

"If they can't, they should try and learn a new skill, so hey can find something they are willing to commit to and make it their job.”

Ang intense na eksena nina Carlos Agassi at Joel Palencia / Source: Wish Ko Lang

Ibinahagi rin nina Joel at Carlos ang itinuturing nilang memorable scenes sa “Sakristan” episode ng bagong Wish Ko Lang.

Para kay Carlos, pinaka-memorable raw ang eksena na may nangyari sa karakter niya at sa sakristan.

“My character recorded a video of the sexual encounter to use for black mail. In these desperate times and situation, and the technology that we have, those kinds of evil can either push a person to commit suicide or do evil things.”

Samantala, ayon kay Joel, ang most memorable scene para sa kanya ay ang emosyonal na eksena niya sa tapat ng dagat.

“Pinaka-memorable 'yung part na umiiyak po ako sa tapat ng dagat at sumisigaw na 'di ako mahal ng Diyos, dahil halos naramdaman ko na po ang pakiramdam na (parang) napabayaan Niya before.

"Nag-iisip ako na 'di naman ako masamang tao, pero 'di pa rin nanibago ang pananampalataya ko sa Kanya.”

Panoorin ang isa na namang kontrobersyal na kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapong sa GMA-7.

Manalo ng negosyo package sa 'Tuloy Pa Rin Ang Pasko" promo ng bagong 'Wish Ko Lang'