Showbiz News

Benjamin Alves, inilaglag si Lovi Poe sa 'Put a Finger Down' challenge

By Dianara Alegre

Balik-tambalan sina Kapuso stars Benjamin Alves at Lovi Poe para sa bagong romantic comedy series na hatid ng GMA Public Affairs na Owe My Love.

Si Lovi ang financially problematic na si Sensen Guipit Lovi sa serye habang gagampanan naman ni Benjamin ang karakter na Migs Alcancia na isang celebrity doctor at financial advisor.

Source: Owe My Love FB page

Nasa kalagitnaan pa rin ng lock-in taping ng serye ng cast nito na kinabibilangan din nina Winwyn Marquez, Aiai Delas Alas, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Mike “Pekto” Nacua, Ryan Eigenmann, Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose, at Mahal.

Sa panayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago sa lead cast sa Unang Hirit, ibinahagi nilang masaya silang muling magkatrabaho.

“Been so great. We're just glad na nakabalik na kami sa taping at sinisimulan na ang Owe My Love,” sabi ni Benjamin.

Lahad naman ni Lovi, “I was just looking forward to working again with Ben. Knowing Ben, sobrang relaxed na tao rin and funny din behind the camera.”

Bukod sa kanilang nakakikilig na chemistry, puno rin ng kulitan sa set nila na dahilan daw para maging magaan ang trabaho nila.

“Ang kulitan du'n nagta-translate sa eksena namin, napakagaan,” anang aktor.

Makikita rin sa mga Instagram Story ng cast gaya nina Kiray at Divine Tetay ang kung ano-anong mga paandar nila kapag break time nila at walang trabaho.

Bukod sa good vibes na handog ng Owe My Love, sinabi ni Benjamin na marami ring mapupulot na aral dito.

“Ang daming lesson about saving, about family, how you take care of each other, how you take care of yourself, ang dami nilang lessons na mapupulot,” aniya.

Samantala, sumabak din ang dalawa sa inihandang “Put a Finger Down” challenge ng Unang Hirit. Dito ay inilaglag ni Benjamin si Lovi at sinabing umamin na raw ang aktres na nagka-crush sa kanyang kapareha.

Bukod dito, marami rin silang inamin tungkol sa kanilang buhay-trabaho.

Panoorin ang nakaaaliw na kulitan ng Owe My Love lead cast sa video sa itaas.