
Isa si Arra San Agustin sa mga personalidad na umaming may hinarap na pagsubok ngayong quarantine period.
Sa kanyang exclusive interview ay inamin ni Arra na may mga personal problems siyang hinarap ngayong taon. Hindi man ito tinukoy ng aktres, ipinahayag naman niya ang ilang detalye ng kanyang ginawa para malagpasan ang bagay na hindi niya akalaing mararanasan sa kanyang buhay.
Photo source: @arrasanagustin
Kuwento ng Taste MNL host at Lolong star, "Siguro 'yung mga personal problems na nangyari sa akin na hindi ko na-imagine na mangyayari sa akin, kinaya ko. Noong nandoon ako sa situation, ino-overthink ko siya, tapos masyado akong nagiging anxious, pero napagdadaanan naman pala."
Habang binabalikan ni Arra ang kanyang pinagdaanang pagsubok, inamin niya na ngayon ay nakikita niya na kaya niya pala. May iba't iba pa lang paraan para malagpasan ang pagsubok na kanyang naranasan.
"Madali lang naman pala. May paraan, maraming puwedeng gawin to go around it. That's [what] I realized now, looking back. Kaya ko pala."
Sa mga tao na kasalukuyang nahaharap sa ano mang pagsubok o personal na problema, nag-iwan si Arra ng mensahe at ng payo para makatulong na malagpasan ito. Ayon kay Arra, importante sa mga ganitong pagkakataon na i-prioritize ang sarili at ang estado ng mental health. Dapat umano pagtuunan ng pansin ang ano mang bagay na makakapagpasaya o makakapanatag ng kalooban ng isang tao.
"Iba-iba naman 'yung coping mechanisms ng mga tao. Pero kung ano sa tingin mo 'yung makakapagpa-improve sa'yo, or makakapagpasaya sa'yo, or makaka-help sa mental health mo, then do it."
Dugtong pa ni Arra huwag magpaapekto sa opinyon ng iba. Unawain ang personal na nararamdaman at huwag magpadala sa iba o sa social media.
"Don't mind other people, don't mind the judgements, I know social media can be really really depressing sometimes but also look at the advantages na lang of social media."
Payo rin ni Arra na magdasal, at pati na rin makipagusap sa mga taong pinagkakatiwalaan para makapag-open up ng ano mang pagsubok na kinakaharap sa buhay.
"Kung anxious ka, just turn to God. Cast all your fears and your anxieties to god and I swear it helps a lot. Maybe you can also talk to your family members to the people close to your heart, sobrang nakakatulong 'yun para malagpasan mo 'yung mga pinagdadaanan mo."
RELATED CONTENT:
Arra San Agustin admits to being workaholic
Arra San Agustin, nag-enroll sa isang baking course ngayong quarantine