TV

Bianca Umali, anong masasabi tungkol sa leading man niyang si Dennis Trillo?

Handa na si Kapuso star Bianca Umali na i-level ang kanyang career sa pamamagitan ng upcoming cultural series na Legal Wives kung saan isa siya sa mga leading lady ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Ang dalawa pang makakatambal dito ng aktor ay sina sina Alice Dixson at Andrea Torres.

Ang Legal Wives ay tungkol sa istorya ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw, na mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Source: bianxa (Instagram)

Nang makapanayam ni Lhar Santiago para sa Unang Hirit, sinabi ng aktres na “blessing” para sa kanya ang makatambal ang aktor.

“Dito po sa 'Legal Wives,' ako po ang third at youngest wife. Makaka-partner ko po rito si Kuya Dennis Trillo at isa po akong Muslim,” ani Bianca.

Aniya pa, “'Di ko po alam kung paano mafi-feel kasi parang napakaganda po nu'ng role napakaganda po ng proyekto. Ang makatambal si Kuya Dennis na isang beteranong is a blessing for me. I'm excited to start the experience.”

Dahil isa ang Legal Wives sa pinakamalalaking handog ng GMA Network ngayong taon, puspusan ang paghahanda ni Bianca para mahusay na magampanan ang kanyang karakter.

“Number one is pag-aaral about my character dito. Research on the culture that we will be representing,” sabi pa niya.

Nasaksihan ng publiko ang development ni Bianca mula sa pagiging isang kinagigiliwang child star hanggang sa masungkit niya ang lead roles ng ilang Kapuso serye.

Sa pagkakataong ito, handa na raw siyang i-level up ang kanyang career at mas patunayan pa ang talento niya sa pag-arte.

“This is a new chapter again and gusto ko pong maipakita rin sa mga tao 'yung kakayahan ko bilang isang aktres.”

Source: bianxa (Instagram)

Mula sa direksyon ni Zig Dulay, kasama rin sa cast ng Legal Wives sina Cherie Gil, Shayne Sava, Irma Adlawan, Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, at Juan Rodrigo.

Samantala, sa naunang panayam ng 24 Oras sa aktres, ipinahayag niyang hindi niya maiwasang kabahan dahil mga beteranong artista ang katrabaho niya.

“Kinakabahan po ako talaga sobra. 'Yung mga kasama ko po sa serye, e, hindi po biro lahat. They are all very great actors and very experienced din. Sobrang humbling po,” aniya.

Silipin ang ilang kaganapan sa unang araw ng 'Legal Wives' lock-in taping sa gallery na ito: