Showbiz News

Gina Pareño, nabiktima ng love scam sa 'Wish Ko Lang'

By Dianara Alegre

Gaganap bilang isang lola na nabiktima ng love scam ang premyadong aktres na si Gina Pareño sa kanyang pagbabalik sa drama anthology na Wish Ko Lang.

Bibigyang-buhay ni Gina ang kuwento ni Lola Agnes na na-inlove sa ka-chat niya umanong foreigner sa social media pero kalaunan ay napag-alamang nabiktima pala siya ng scam.

Source: yourlolagets (Instagram)

“May naka-chat ako na foreigner. Uuwi raw siya dito sa atin sa Pilipinas hanggang sa naghihintay ako sa airport na hinihingian ako ng pera na malaki kasi baggages mga ganu'n. Tapos hindi siya dumating nu'ng pinadalhan ko kaya nagkautang-utang ako,” ani Gina sa bagong episode nang makapanayam ng 24 Oras.

Tampok din dito sina Aira Bermudez, Brent Valdez, Mon Confiado, at Sue Prado.

“Ang karakter ko po rito ay BFF ni tita Gina na nagpakilala sa kanya at nagturo sa kanya kung paano makipag-chat online,” paglalarawan ni Aira sa kanyang karakter.

Ginampanan naman ni Brent ang karakter ng lalaking nang-scam kay Lola Agnes.

“Ako po ang may kasalanan. Ako character ko po ay si Ron. Ako po 'yung nang scam kay Lola Agnes, kay Ms. Gina Pareño,” aniya.

Samantala, ayon kay Gina, ito raw ang unang acting project niya mula nang ipatupad ang community quarantine noong March dahil sa coronavirus pandemic.

Aniya pa, mahigpit daw sa kanya ang kanyang mga anak at hindi siya pinalalabas ng mga ito ng bahay.

“Alam mo ba nu'ng ini-swab test ako sabi ko, 'Nako panalo ako! Siguradong makakapunta ako kasi nakakulong lang ako,” ani ng 70-year-old na actress. “Nandito lang ako sa kuwarto ko buti kasama ko 'yung tatlo kong baby dogs. Hindi ako lumalabas maski sa baba, sa kusina.”

Dahil senior citizen na si Gina ay doble ang paghihigpit sa kanya ng kanyang pamilya na para rin sa kanyang kaligtasan. Buti na lamang daw at na-discover niya ang TikTok dahil ito ang naging libangan niya.

"Para akong maloloka. 'Yung pamangkin ko niyaya ako ng Tiktok. Sabi ko, 'Sige, try ko.' Bandang huli naadik na ako sa Tiktok. Ang sarap pala mag-TikTok! Parang tumakbo 'yung dugo [ko]!” natatawang kuwento ng beteranang aktres.

Noong September ay nag-viral ang ilan sa mga TikTok videos niya kung saan game na game niyang sinubukan ang mga viral challenge at dance cover online.

Panoorin ang kanyang mga patok TikTok content:

@yourlolagets

Disinfect parati mga Mahal ha! Para parati tayong safe sa nga germs at viruses #fyp #wipeitdownchallenge #viral #funny #mirrorchallenge #LolaGets

♬ #WIPEITDOWN - BMW KENNY
@yourlolagets

Its a YES! Ilang taon na sya? Balang araw magiging star yan, basta ba pangarapin nya. Kyot kyot naman Bibi #duet with @_scarlett_03 #AskWednesday

♬ Binibining Marikit Juarez - Aiana
@yourlolagets

iT r3ALly hUrT$ 💔 #itreallyhurts #itreallyhurtschallenge

♬ It Really Hurts (Contains music from: Kabet - Gagong Rapper) - mimiyuuuh

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 1.4 million followers sa nasabing platform.

Source: yourlolagets (TikTok)