Showbiz News

Rocco Nacino at Melissa Gohing, ni-livestream ang kasal para sa mga kaibigan

By Marah Ruiz

New normal na rin maging ang kasalan ni Kapuso actor Rocco Nacino at volleyball player Melissa Gohing.

Ni-livestream kasi ng mag-asawa ang kanilang kasal para sa mga kaibigan at family members na hindi makakadalo.

Pribado ang naging seremonya at dahil na rin sa COVID-19 pandemic, hindi sila maaaring mag-imbita ng maraming tao.

Ikinasal ang dalawa noong January 21 sa naval warship BRP Tarlac LD602 habang naka-dock ito sa Pier 13 in South Harbor, Manila.

Isang naval chaplain ang nagkasal sa dalawa habang nakasuot pa si Rocco ng Alpha White Dress B.

Kalaunan, nagpalit din sa isang classic black tuxedo si Rocco.

Off-shoulder white gown naman na idinisenyo ni Francis Libiran ang suot ni Melissa.

Credits: nacinorocco Instagram

Earth tones ang kulay ng mga suot ng kanilang mga pamilya, habang nakaputi at nakauniporme naman ang ibang mga dumalo.

Pinili daw ng mag-asawa ang ganitong seremonya bilang pagpupugay sa posisyon ni Rocco bilang miyembro ng Philippine Navy Reserve Command and Naval Special Operations Group (NAVSOG).

Balak naman ng dalawa na magkaroon ng isang Christian wedding kapag natapos na ang pandemya.

Nagkakilala sina Rocco at Melissa sa isang volleyball game mahigit tatlong taon na ang nakalilipas at nagsimula ang kanilang relasyon noong September 2017.

Nag-propose si Rocco kay Melissa noong November 20 ng nakaraang taon sa gitna ng isang field na puno ng mga bulaklak sa Valley Golf Subdivision sa Antipolo.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.

Silipin din ang ilang mga eksena mula sa kanilang sunset wedding sa gallery na ito: