Showbiz News

Claudine Barretto, balik-primetime sa ‘Iglot’

Matagal na inabangan ng mga fans ang pagbabalik ng Optimum Star na si Ms. Claudine Barretto sa primetime drama-fantasy na Iglot, na magsisimula na ngayong gabi. Matapos ng matagal-tagal na pamamahinga ay very excited na siyang magbalik-trabaho, at magbalik-primetime.

“Siyempre nag-adjust ako sa pagpupuyat, sa taping hours, long hours, yung mga locations na malalayo. Pero hindi naman nagtagal yun,” pagkukuwento ni Claudine.

“Masaya [ako] kasi at least makakasama ko ulit sina Marvin [Agustin], si Jolina [Magdangal], Patrick [Garcia], Luis [Alandy], lahat ng nakasama ko dati,” paglalahad pa niya. “Masaya talaga yung grupo namin.”

Isang powerhouse cast ang kabilang dito sa bagong show na ito, kaya naman hindi naiwasang maitanong kung may patalbugan bang nagaganap sa tuwing nagkakaeksena sila ng kanyang mga kaibigan sa industriya. Aside from being a fantasy kasi ay heavy drama din ang hinihingi ng bagong show na ito sa cast. Nagkakaroon nga ba ng kompetisyon sa pagitan nilang mga castmates pagdating sa drama?

“Wala namang nagpatalbugan,” kuwento niya. “Ang maganda dito, since magagaling lahat ng mga artista at magaling ang director namin, [at] maganda ang script namin, nagbigayan lahat.”

Makakasama din ni Claudine dito ang pinakabagong aabangang child star ng GMA ngayon, si Milkcah Wynne Nacion. Ayon kay Claudine, spoiled sa kanya si Milkcah at natutuwa siya sa performance ng child actress pagdating sa set.

“At six years old, talagang focused na yung bata sa pagtatrabaho at alam niya ang ginagawa niya,” she reveals. “Tino-throw lang yung lines sa kanya pero memorize na niya agad yung line niya.”

Abangan ang magiging papel ni Claudine sa Iglot sa pagsisimula nito ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras dito lamang sa GMA.

Pag-usapan si Claudine sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Regsiter here!