TV

'Legal Wives' actor Abdul Raman, kinikilig kay Shayne Sava?

By Dianara Alegre

Nagkakilala sina Abdul Raman at Shayne Sava sa Season 7 ng reality artista search na StarStruck.

Doon pa lang ay ilang beses na silang nag-teamup para sa ilang challenges at tasks na ibinigay sa kanila ng StarStruck Council na binubuo nina Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo.

Ayon kay Abdul, kadalasan daw ay nakararamdam siya ng “cringe” sa tuwing pinapanood ang sarili niya sa StarStruck pero surprisingly, hindi raw ganito ang sitwasyon kapag si Shayne ang katambal niya.

“Talagang kahit ako kahit tanungin mo 'yung ibang artista, nakaka-cringe talagang panoorin ang sarili mo on screen," kuwento ni Abdul sa kanyang In The Limelight video.

“Surprisingly enough, hindi ako masyadong naki-cringe sa sarili ko 'pag pinapanood 'yung sarili 'pag pinapanood 'yung 'StarStruck.' Nandun pa rin pero more on mas nao-overpower nung kilig 'pag pinapanood ko kami ni Shayne,” dagdag niya.

Source: shaynesava (Instagram)

Ngayon, muli silang magtatambal para sa Kapuso drama na Legal Wives na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Si Abdul ang gaganap sa lalaking in love sa karakter ni Shayne na si Jamilah Macadato.

“Hindi pa naibibigay sa akin 'yung script but so far sa nabasa ko, it's gonna be like medyo cute 'yung story, hindi lang medyo, cute pala. I'm simping hard for her in this story and it's just more kilig moments to add to what we've already shown you in 'StarStruck.'

“Simp ako by Shayne. 'Yun 'yung in a nutshell, 'yung character ko. I'm a simp for Shayne,” aniya.

Source: shaynesava (Instagram): abdulraman23_ (Instagram)

Samantala, dahil ito ang unang beses na magiging bahagi siya ng isang primetime series, ibinahagi ni Abdul ang ilan sa mga paghahandang ginagawa niya.

“Well, nabasa ko na 'yung script and overall I'm really really excited for the role kasi I can relate some aspects of my own as a person dun sa character ko na pino-portray ko,” aniya.

Ngunit ang isa sa pinakamahirap na bahagi raw ng preparation niya ay ang pagsasanay sa sarili na mas maging independent.

“'Yung mas mahirap na part para sa 'kin siguro is syempre mag-la-lock-in [taping] ako. I'm gonna live by myself away from my family mag-isa lang ako. Inaaral ko pa lang 'yun, e. I wanna be independent as much as possible,” dagdag pa niya.

Ang Legal Wives ay tungkol sa istorya ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice), Diane (Andrea) at Farrah (Bianca).

Mula sa direksyon ni Zig Dulay, tampok din sa serye sina Cherie Gil, Irma Adlawan, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa at Juan Rodrigo.

Narito pa ang ilang In The Limelight videos:

Ysabel Ortega, umaming gustong masampal ni Cheri Gil

Jeremiah Tiangco shares workout tips

Garrett Bolden tells inspiration in latest single "Our Love"