Showbiz News

Lolit Solis, pansing kasundo ni Derek Ramsay ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

By Cherry Sun

Masaya si Lolit Solis na tila palagay si Elias Modesto, anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa bagong nobyo ng kanyang ina na si Derek Ramsay.

January ngayong taon nang naging maugong ang pagkaka-link nina Ellen at Derek at nitong February ay kinumpirma na nila ang kanilang relasyon.

Umani ng suporta at pati na batikos ang namamagitan sa dalawang aktor. Gayunpaman, isa sa may pinakamahalagang opinyon tungkol sa kanilang relasyon ay walang iba kundi si Elias.

Ilang beses na ring naka-bonding ng Kapuso actor ang anak nina Ellen at John Lloyd. Makikita rin ang kanilang closeness sa isang video na ibinahagi ni Derek sa kanyang Instagram account.

Palagay ni Lolit ay madaling nagkasundo sina Derek at Elias.

Aniya, “Suwerte naman na parang adjusted na agad ang anak nila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias kay Derek Ramsay Salve. Kung titignan mo ang mga photos pag magkasama sila parang kilalang kilala na ng bata si Derek. At least walang problema kung sakali man at magsama ang dalawa dahil feeling daddy na agad ang turing nito sa anak ng actress. Mukha naman walang problema kay Jonh Lloyd at tanggap ang kapalaran ng naging affair nila ni Ellen, masaya din siya sa kanilang usapan pagdating sa pagpapalaki sa kanilang anak."

Pinuri rin ng beteranong talk show host at talent manager ang naging mapayapang paghihiwalay nina Ellen at John Lloyd. Dasal niya na sana'y makahanap din ng bagong pag-ibig ang aktor.

“Maganda ang process ng hiwalayan nila John Lloyd at Ellen, walang sisihan, walang sumbatan, walang away. Ganyan dapat lahat ng separation para may respeto sa bawat isa, lalo pa at meron naging anak. Kaya maganda ang moving on process, maganda kasi ang paghihiwalay. Sayang nga at hindi natuloy sa forever, pero one day, makikita din nila ang perfect one for them. For now, single, free to mingle, moving on process sila. Nakatagpo si Ellen ng isang Derek Ramsay, sure meron din makikita si John Lloyd, wait lang. Happiness is just around the corner. Bongga.”

Silipin ang love story nina Ellen at Derek sa gallery sa ibaba: