GMA Logo Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara
What's Hot

Sino ang pinagselosan ni Kyline Alcantara kay Miguel Tanfelix?

By Dianara Alegre
Published April 2, 2021 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cafe na itinayo sa gitna ng farm, umaani na ngayon ang magandang kita
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara


Ibinahagi nina 'I Can See You Season 2: #Future' stars Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara kung gaano kahalaga para sa kanila ang isa't isa.

Naging guest ni Kapuso actress Aiko Melendez ang I Can See You Season 2: #Future co-stars niyang sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara para sa latest vlog nito sa kanyang YouTube channel.

Good vibes ang at kilig ang hatid ng vlog lalo na nang aminin ng dalawa na nagkaroon sila ng crush sa kanilang mga ka-love team at katrabaho.

Aiko Melendez Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara

Aiko Melendez YouTube channel

Tinanong kasi ni Aiko kung na-in love na ba sila sa ka-love team nila. “Yes” ang sagot ng aktor kaya sinundan siya ng tanong ng beteranang aktres kung mabilis bang mahulog ang loob niya sa ibang tao.

“Hindi po pero 'pag na-fall ako sa isang tao, nafa-fall talaga. Pero hindi naman to the point na ibibigay ko na lahat,” aniya.

Kinikilig naman si Kyline nang sumagot ng, “Hindi ko siya naging love team Ms. Aiko, e.” Ayon sa batang aktres, katrabaho niya pero hindi niya ka-love team ang tinutukoy.

Umamin din si Kyline na nagselos na siya noong may kausap na iba ang love team o katrabaho niya.

“Guilty po ako, Ms. Aiko,” sagot ng aktres. Kaya tinanong ulit siya ni Aiko kung paano siya magselos. Pero bago pa man makasagot ang Bicolana beauty ay naunahan na siya ni Miguel.

“Pabiro. Ganon siya magselos. Napapansin ko lang po sa kanya,” ani Miguel.

Na sinundan naman ni Kyline ng, “'Pag nagseselos ako, kakausapin kita like, 'Ano to.'

“Mabilis lang po ako amuhin. Ang hirap sa 'kin 'pag galit ako 'wag kang tatawa kasi tatawa na rin ako.”

Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara

migueltanfelix_ (Instagram); itskylinealcantara (Instagram)

Lalo naman kinilig si Aiko nang magpalitan ng messages ang dalawa at sabihin kung gaano nila pinapahahalagahan ang isa't isa.

“Ang dami na kasing alam ni Kyline sa akin, Ms. Aiko, e. Nakita niya akong vulnerable, nakita niya akong masaya, nakita niya akong malungkot. Siguro ite-treasure ko 'yon dahil nakaka-relate siya 'pag nagve-vent out ako sa kanya.

“Nakaka-relate siya sa mga problems ko, iniintindi niya ako. Para sa akin, importanteng may someone ka na ganon sa buhay mo, 'yung someone na makikinig sa 'yo, so very important,” ani Miguel.

Sagot naman ng aktres, “Nakita niya 'yung ups and downs ko talaga sa lahat. Nandun siya every step of the way. I'm just thankful for our relationship.”

Samantala, hindi rin pinalagpas ni Aiko ang pagkakataon para ipahatid sa Kapuso stars ang paghanga niya sa kanila.

Aniya kay Kyline, “In your generation isa ka sa magaling umarte…and also Miguel ha. I believe na you both deserve the success that you have right now.

“Kyline, I also wish the best for you kasi I know isa ka sa magiging napakahusay na artista sa industriya natin. Sa edad mong 'yan ganyan ka na umarte what more kaya 'pag tumanda-tanda ka pa. Baka lamunin mo na 'ko 'pag kaeksena mo 'ko.”

Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara

migueltanfelix (Instagram); itskylinealcantara (Instagram)

Masaya rin umano si Aiko sa bagong milestone sa career ni Miguel na gaganap bilang si Steve Armstrong sa upcoming live adaptation ng Voltes V: Legacy.

“I'm so happy for Miguel because he's playing the lead role for 'Voltes V.' I wish all the best Miguel. Sobrang I'm rooting for you dahil napakabuti mong tao,” aniya.

Panoorin ang nakakikilig na vlog ni Aiko sa video sa ibaba:

Pero bago mapanood sa Voltes V: Legacy, bibida muna si Miguel kasama si Kyline sa ikalawang installment ng drama mini-series na I Can See You Season 2, ang “#Future.”

Ang mini-series ay tungkol sa misteryosong buhay ni Vinchie Torres, ang aspiring segment producer na nagkaroon ng abilidad na makita ang hinaharap sa pamamagitan ng CCTV footage.

Kasama rin sa cast ng show sina Aiko, Mikoy Morales, Dani Porter, Jmee Katanyag, Francis Mata at Gabby Eigenmann,.

Kilalanin ang cast ng I Can See You Season 2: #Future sa gallery na ito: