Showbiz News

Richard Yap on testing positive for COVID-19: 'There was nothing I could do but pray'

By Dianara Alegre

Ngayong mas tumitindi ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay mas lalong pinagtutuunan ng pansin ni Kapuso star Richard Yap ang pagpapalakas ng kanyang immune system sa pamamagitan ng proper diet at regular workout.

Sobra rin ang pag-iingat ng aktor dahil ipinagtapat niyang isa siya sa mga unang nagpositibo sa COVID-19 noong magsimula ang pandemic.

Source: iamrichardyap (Instagram)

“I was one of the firsts who got it siguro. Ang hirap because at that time wala pang mga gamot 'tsaka walang pwedeng mag-asikaso sa 'yo. You have to be all by yourself.

“So psychologically, it was really very hard. There was nothing I could do but pray,” pahayag ni Richard nang makapanayam ng 24 Oras.

Katulad ng nakararami, sinisikap niyang maging matatag ngayong may pandemya lalo na't may mga kaibigan at kakilala siyang tinamaan din at binawian ng buhay dahil sa sakit.

“It's really very bothering and nakakalungkot talaga kasi ang babata pa nila and they have their whole lives ahead of them pero they've been taken away by this pandemic,” aniya.

Samantala, isa rin sa mga dahilan ng pagwo-workout at pagda-diet ni Richard ay ang nalalapit na lock-in taping ng upcoming Kapuso show na I Left My Heart in Sorsogon.

Siya kasi ang magiging katambal ni Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista na aniya ay sobrang “sexy” at “petite.”

Source: iamrichardyap (Instagram)

“Kasi ang petite, ang payat ni Heart. She's so sexy. I'm afraid that if I stand behind her baka magmumuka akong bodyguard niya,” biro niya.

Bukod sa team up nila ni Heart, excited na rin umano siyang sumabak sa taping sa Sorsogon dahil hindi pa siya nakakapunta sa probinsiyang iyon.

“I'm excited to be working in Sorsogon also because first time kong magtrabaho dun. I haven't been there,” aniya.

Habang naghihintay sa pag-ere ng programa, libutin muna ang Sorsogon kasama si Heart sa gallery na ito:

Abangan ang I Left My Heart in Sorsogon ngayong 2021 sa GMA Telebabad.