Showbiz News

Richard Yap, first time malalayo sa pamilya dahil sa 'I Left My Heart in Sorsogon'

By Marah Ruiz

Inihahanda na raw ni Kapuso leading man Richard Yap ang kanyang sarili para sa lock-in taping ng kanyang upcoming serye na I Left My Heart in Sorsogon.

Bukod kasi sa mga eksena sa Maynila, may mga eksena rin kasing kukunan mismo sa Sorsogon.

Hindi ito ang unang lock-in taping ng aktor pero ito ang unang beses na mapapalayo siya sa kanyang pamilya dahil sa trabaho.


"This is going to be the first time that I'm going to be away from my family for a long time so I'm thinking about all the things that I need," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Matatandaang narasan na ni Richard ang lock-in taping nang maging bahagi siya ng "On My Way to You," ang maiden offering ng groundbreaking mini series anthology na I Can See You.

"It's kind of different eh. The lock-in taping that we had was quite near. This one is going to be far because we're going to be in Sorsogon," aniya.

Kaya naman maingat niyang pinagpaplanuhan ang mga bagay na kakailanganin niya para sa trabaho.

"It would have to be my iPad because that's where I usually work. That's where I do my office work. The next thing I would bring is my workout essentials like a yoga mat and stretch bands and workout bands that I can use while on the road," bahagi ni Richard.

Magiging leading lady ni Richard sa I Left My Heart in Sorsogon si Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista.

Excited na raw si Heart na ipakita sa serye ang ganda ng Sorsogon--ang lugar kung saan nagsisilbing gobernador ang kanyang mister na si Gov. Chiz Escudero.

"I heard from the directors, there's going to be a day na iikutin lang namin lahat, no TF (talent fee) involved. We're just gonna keep filming the beautiful areas in Sorsogon para talang ma-showcase namin lahat," pahayag ni Heart.

Sa katunayan, may ilang mga lugar na siyang iniisip na ibida sa kanilang mga eksena.

'Yung mga recently developed na mga lugar that Chiz worked on like the library, it's so beautiful. Definitely, I feel that's going to be in one of the scenes. Hopefully pati 'yung coastal road. Madami, 'yung mga beach, pili farms. Madami, so we're very very excited," lahad niya.

Bukod sa mga magagandang lugar, ipinangako din ni Heart na mabubusog ang mga mata ng mga manonood sa outfits na makikita sa serye.

Inilarawan pa niya ang I Left My Heart in Sorsogon bilang "teleserye with a lot of Chanel."