Showbiz News

Derek Ramsay reveals details about breakup with Andrea Torres in latest interview

By Bong Godinez

Diretsahang sinagot ng actor-model na si Derek Ramsay ang mga tanong tungkol sa kanyang present at past relationships.

Nag-guest si Derek sa radio program ng veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin na Cristy Ferminute nung Martes, April 20.

Dito ay muling sinabi ni Derek kung gaano siya kaligaya sa piling ng fiancée na si Ellen Adarna.

“Hindi ko yata kaya ma-express into words pero kita n'yo naman sa mga actions ko, sa mata ko, I've never been this happy in my life,” sambit ni Derek.

“Hindi lang sa relationship ko kasi everything around me, 'yung relationship ko sa anak ko, which has been my biggest, ayoko sabihing problem, e, pero 'yung lagi kong pinagdadasal na maayos at maging kumportable na siya sa akin and everything.

"Nung pumasok si Ellen sa buhay ko parang all those little things na pinagdadasal ko all fell into place.”

Ang tinutukoy ni Derek na anak ay si Austin na anak niya sa ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Finding the one

Ano nga ba ang meron kay Ellen para finally ay mag-decide si Derek na yayain itong magpakasal?

“Alam mo naman 'yung saying 'di ba, one person completes you and binuhay ni Ellen effortlessly yong love ko sa life, my passion for life,” sagot ng Kapuso hunk.

“Naging masyado akong seryoso sa mga relationships ko na nakalimutan ko na to enjoy life and to enjoy the moment. Mas iniisip ko na na kailangan kong ibigay ang lahat sa isang relationship parang maging the one.”

Dagdag pa ni Derek, “Pero with Ellen, it was more like we just had fun with each other and that woke me up na ito na talaga 'yong taong gusto kong pakasalan and naging sobrang kumportable akong pag-usapan ang marriage with no hesitation.

“Alam n'yo naman na gusto ko naman talaga magpakasal pero ayoko magpakasal sa maling tao.”

Hindi daw naging kumportable si Derek na pag-usapan ang kasal sa dating nakarelasyon.

Bago maging sila ni Ellen ay naging girlfriend ni Derek ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng mahigit isang taon.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan nung Nobyembre ng nakaraang taon.

“I'm not comfortable kasi pini-figure out ko pa kung siya 'yun and that's what you do 'pag nasa relationship kayo, you commit to one another dahil may mga qualities 'yung kasama mo na iniisip mo na baka siya nga, baka siya na nga 'yung the one.

“Pero minsan you realized, malalaman mo na hindi pala kayo compatible [and] hindi nauuwi sa kasal. Pero kay Ellen 'yung samahan namin, I just knew.”

Breakup over the phone

For the first time ay nagsalita si Derek tungkol sa detalye ng kanilang naging breakup ni Andrea.

“Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this... yung problemang 'yon, yung values namin, ng isa't isa, is not the same.

“Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.

“Hindi ko na aatakihin 'yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.

“So I told her, 'I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter.

“So I think it's just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.

“'Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang 'yan, and it's a waste of time and it's a waste of effort… masakit, di ba?'"

Sa panayam ay inamin din ni Derek na siya ang nakipaghiwalay sa aktres.

"So, ako 'yung nakipagkalas.

“Sa phone po namin… 'yun lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone.

“Actually, dapat magkikita kami noon. Ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect.

“Hindi namin dinisrespect ang isa't isa. She agreed to it also. Nag-ano [offer] pa nga ako na kung puwede ko makausap 'yung tatay and kinausap ko rin naman 'yung nanay.

“'Yung sa tatay, sinabi lang ng dad niya na there's no need na, it's okay.

“Pero 'yung mom niya nakausap ko at 'yung mom ko rin nag-text sa mommy ni Andrea kasi lahat naman kami nag- invest dito, we were all invested dito.

Every Sunday nagdi-dinner po ang both families dito sa bahay so there's no disrespect between me and Andrea and our families.”

Tinanong ni Cristy si Derek kung may kinalaman ba ang pamilya ni Andrea sa kanilang paghihiwalay.

Hindi agad nakasagot si Derek sa tanong na ito at kinailangan pa siyang pilitin para magsalita.

“Oo o hindi lang, regalo mo na sa amin 'yan. Huwag ka ng 'ah.' Oo o hindi?” prankang tanong ni Cristy.

“Opo,” maiksi ngunit makahulugang sagot ni Derek.

Marami ngayon ang nag-aabang kung sasagutin ba ni Andrea ang mga naging rebelasyon ni Derek sa latest interview niyang ito.

Take a look back at Andrea and Derek's relationship in this gallery: