Showbiz News

Heart Evangelista, masaya sa bagong milestone ng GMA Affordabox

By Marah Ruiz

Sa loob ng pitong buwan matapos itong i-launch, umabot na ng mahigit isang milyong units ng GMA Affordabox ang tinangkilik ng mga Pilipino.

Ikinagulat at ikinatuwa ito ni Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista na isa sa brand ambassadors ng digital TV receiver.

"Wow, I'm very happy! Akin siguro 'yung 500 diyan!" biro niya.

Para kay Heart, isa raw ito sa mga bagay na nakatulong as kanya nitong quarantine.

"I love GMA Affordabox. I think everyone should have one especially now during the lockdown, it keeps us sane," bahagi ni Heart.

Mahilig daw manood ng mga pelikula ngayon si Heart. Isa ito sa mga naging libangan niya ngayong lockdown. Bukod dito, preparasyon din daw niya ito para sa kanyang upcoming series na I Left My Heart in Sorsogon.

"I try to watch one movie a day. I love Jennifer Lawrence, Jennifer Anniston. I watch different ones, like old movies. Not naman super old but I just watched 'Double Jeopardy' of Ashley Judd. [I watch] different ones siguro to kind of connect myself with my emotions. I've kind of toughened up and as an actress you have to be a bit more vulnerable," paliwanag niya.

Perfect para kay Heart ang pinakabagong digital movie channel na I Heart Movies. Hatid nito ang iba't ibang pelikula mula Hollywood blockbusters and animated movies, Pinoy classic and contemporary films. Available ang I Heart Movies sa channel 5 sa GMA Affordabox.

Nahilig din daw si Heart sa panonood ng K-drama. Sa katunayan, hilig din niyang ulit-ulitin ang ilang episodes at eksena na nagustuhan niya.

"I've been a fan of 'Crash Landing On You.' I kind of rewatched certain episodes. Just her reaction and her cuteness, even if she was a bit, not naman maldita but indifferent in the beginning, I still thought that she was lovable," lahad niya.

Para sa kanyang K-drama fix, nandiyan ang Heart of Asia channel ng GMA Affordabox. Maaari rin niyang i-record ang ilang eksena ng mga paborito niyang shows gamit ang Personal Video Recorder feature nito.

Ang GMA Affordabox ay isang digital TV receiver mula sa GMA Network. Gamit ito, mapapanood ang mga channels tulad ng GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, I Heart Movies at iba pang free-to-air digital channels na available sa inyong area.

Mabibili ang GMA Affordabox sa halagang P888. Hindi rin kailangan ng internet para magamit nito.

Available ang GMA Affordabox sa mga ilang piling lugar sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Ilocos Sur, Abra, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (kasama ang Cagayan de Oro City) at Camiguin.

Mabibili ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store sa Shopee at Lazada.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lang ang www.GMAaffordabox.com at i-follow ang official social media accounts ng @GMAaffordabox sa Facebook, Instagram at Twitter.

Para naman sa iba pang katanungan, tumawag sa (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 mula 8AM hanggang 10PM, o mag-e-mail sa support@GMAaffordabox.com.