What's Hot

Hit boys' love series na 'Gameboys,' mapapanood sa Heart of Asia

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 25, 2021 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

gameboys on heart of asia


Hindi na maitago nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ang kanilang saya sa napalalapit na Philippine TV premiere ng 'Gameboys!'

Noong panahon ng pandemya, nagpakilig ang tambalan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa boys' love (BL) series na Gameboys, kung saan ginampanan nila ang mga karakter na sina Cairo at Gavreel.

Makalipas ang isang taon, sa telebisyon naman magpapakilig sina Elijah at Kokoy dahil simula June 13 mapapanood na sa Heart of Asia channel ang Gameboys.

Dahil ipalalabas na sa GMA, hindi maitago nina Elijah at Kokoy ang excitement dahil mas marami nang tao ang makakapanood ng award-winning na Gameboys.

"Sobrang excited po kami na mapalabas siya sa TV, obviously, it's the TV premiere of the first season of Gameboys, and iniisip po namin 'yung bagong mga tao na makaka-discover sa Gameboys," saad ni Elijah sa interview ni Lhar Santiago sa Saksi.

"Nakaka-excite po malaman kung ano po 'yung reaction nila and all."

Dagdag naman ni Kokoy, "Sobrang nakakaproud talaga. Excited kami kasi kapag may nakakapanood, na-i-inspire namin sila."

Panoorin ang buong report sa video sa itaas. Kung hindi ito nagpe-play, maaaring panoorin dito.

Bukod kina Elijah at Kokoy, marami ding same-sex love teams ang nagpakilig sa mga tao. Kilalanin sila DITO:

Noong nakaraang taon, game na game na gumawa ng iba't ibang challenges sina Elijah at Kokoy kasama ang GMANetwork.com.

Panoorin:

Kokoy de Santos and Elijah Canlas read thirst tweets of each other

Kokoy de Santos and Elijah Canlas play 'Jojowain o Totropahin' challenge

Kokoy de Santos and Elijah Canlas play "I Like You Meter"