Showbiz News

Winwyn Marquez, may balak bang sumali sa Miss Universe?

By Cherry Sun

Marami ang nagpahayag ng suporta para kay Winwyn Marquez sa pagiging isang beauty queen matapos i-upload ng Kapuso actress ang kanyang ginawang pagrampa sa swimsuit competition ng Reina Hispanoamericana. May balak nga ba siyang sumali sa Miss Universe o ibang beauty pageants?

Noong 2017, nakamit ni Winwyn ang kanyang pangarap nang koronahan siya bilang kauna-unahan at nag-iisang Asian na nagwagi bilang Reina Hispanoamericana:

Lumipas man ang taon, marami pa rin ang hindi nakalimot sa husay at gandang ipinamalas ng Kapuso actress sa naturang beauty pageant.

Kuwento niya, “People have been tagging me non stop sa video na to' so might as well post it on my feed. Oh how time flies. Thank you sa nag video.”

Mapapanood sa kanyang Instagram post ang kanyang pagrampa sa swimsuit competition ng Reina Hispanoamericana. Maraming netizens naman ang humiling na sana'y sumali rin ang aktres sa Miss Universe. Mapapansin din sa comments ang pagtawag nila kay Winwyn bilang “true Latina slayer.”

Gayunpaman, mababasa sa isang reply ni Winwyn na wala siyang balak na sumali sa Miss Universe.

Silipin ang glow up transformation ni Winwyn sa gallery sa ibaba: