Showbiz News

Spend an afternoon online with Kristoffer and Joyce of 'Tween Hearts'

Tween Hearts sa darating na Linggo, makikipagbonding muna sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa kanilang fans through GMANetwork.com’s live chat on June 8.

In Tween Hearts, Kristoffer plays the role of Chris, ang kilalang jock ng barkada while Joyce is Aya, ang beautiful nerd na mahilig makipag-usap sa mga halaman.  Ang mga kakaiba niyang pananaw sa buhay ang makakahuli ng attention ni Chris, na meron namang tinatagong sikreto tungkol sa totoong estado niya sa buhay.  Ang kanilang opposite personalities ang naging paraan para lalo nilang makilala at magustuhan ang isa’t isa.

Dahil sa success ng show at pati na rin ng loveteam nila, maraming projects na rin ang naibigay kina Joyce at Kristoffer, kabilang ang TV series na Ikaw Lang Ang Mamahalin kasama ang fellow Tween Hearts pair na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.  Pinagbidahan din ng KrisJoyce ang dalawang Maynila episodes at naging bahagi din sila ng family-oriented drama na Munting Heredera.

Sa pagtatapos ng two year run ng Tween Hearts, what’s next for Kristoffer and Joyce?  Sinu-sino ang mamimiss nila sa mga katrabaho nilang tween stars?  Mananatili pa rin kaya ang KrisJoyce loveteam, or ipapareha na ba sila sa ibang artista?

Para sa mga sagot ng mga katanungang ito, abangan ang pagbisita nina Kristoffer Martin and Joyce Ching sa Live Chat studio on Friday, June 8, from 2:00 to 4:00 pm.  Log on togmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.