Showbiz News

Pokwang, inaming 2019 pa siya lumapit sa GMA Network

By Maine Aquino

Inamin ni Pokwang na siya mismo ang lumapit sa GMA Network para maging isang Kapuso star.

Ikinuwento ito ni Pokwang sa entertainment writers sa ginanap na media conference para sa kaniya matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center ngayong Biyernes, June 18.

Sa katunayan, ayon kay Pokwang, 2019 pa raw nagsimula ang pakikipag-usap niya sa GMA Network.

Kwento niya, "Actually ako 'yung nagpapasalamat kasi sila 'yung nag-yes sa akin."

"Ako talaga 'yung lumapit since 2019 pa, 2019 pa kami naguusap-usap and, in all fairness naman, binuksan nila ang kanilang mga braso sa akin. Thank you."

Photo source: GMA Artist Center

Sinabi rin ni Pokwang na nagdesisyon siyang gawin ito dahil sa gusto niyang maipagpatuloy ang pagbabahagi ng kaniyang talento.

"Kasi, siyempre bilang artista, marami pa akong gustong i-share. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong iano sa aking mga followers."

Nagpapasalamat naman si Pokwang sa pagkakataong ibinigay sa kaniya ng itinuturing niyang bagong tahanan.

"Thankful [ako] kasi nabigyan naman nila ako ng pagkakataon na matupad 'yun," aniya.

Ayon sa aktres, ang kaniyang dahilan sa paglipat sa GMA Network ay para magawa ang mga iba't ibang proyekto habang kaya pa raw niyang magtrabaho.

"Siguro kasi ang dami kong gusto pang magawa ang dami kong gusto pang i-share.

"Alam mong hindi na ako bumabata, 'te.

"Kailangan ko na rin kasi gawin 'yung mga gusto ko hanggang kaya ko pa hanggang malakas pa 'yung katawan ko," pahayag ng bagong Kapuso actress.

Sa contract signing na ginanap kanina, emosyunal na nagpasalamat si Pokwang sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng GMA Network.

"Thank you po, maipagpapatuloy ko po ang gusto kong gawin bilang artista.

"Salamat po sa paniniwala ninyo sa akin.

"Isa pong malaking karangalan po na mapabilang ako sa tahanang ito. Maraming salamat po."

Samantala, kilalanin pa ang bagong Kapuso actress sa gallery na ito: