GMA Logo GMA teaser
What's Hot

Teaser tungkol sa bagong Kapuso, gumawa ng ingay sa social media

By Bong Godinez
Published June 30, 2021 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Paano naging umano'y spy ng China ang 3 Pilipinong nag-apply ng trabaho online? | GMA Integrated Newsfeed
LPG demand rises in Pangasinan amid expected price hike
Catriona Gray graces the opening of this Puerto Princesa hotel

Article Inside Page


Showbiz News

GMA teaser


Sino kaya ang award-winning actress na ito?

Nabalot ng spekulasyon ang inilabas ng teaser ng Kapuso network sa social media accounts nito ngayong araw, June 29.

Sa teaser kasi ay nakasaad ang mga salitang: “AN AWARD-WINNING ACTRESS WILL SOON BE A KAPUSO!”

Mabilis naman na lumutang ang iba't-ibang haka-haka kung sino ang posibleng tinutukoy ng misteryosong teaser.

Kanya-kanyang hula ang mga netizens at ilan lamang sa mga pangalang nabanggit ay sina Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Maja Salvador, Kris Aquino, at Judy Ann Santos.

May nagbiro rin na ang award-winning Hollywood actress na si Meryl Streep ang soon-to-be Kapuso.




Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung sino talaga ang aktres na tinutukoy ng teaser.

Wala ring may alam kung kailan pormal na ipapakilala ng Kapuso network ang sinasabing bagong addition sa poder nito.

Samantala, alamin ang mga artista na galing sa ibang network na ngayon ay certified Kapuso na: