GMA Logo christopher de leon
What's Hot

First gay role ni Christopher de Leon, tampok sa Wish Ko Lang 19th anniversary episode

By Racquel Quieta
Published July 8, 2021 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
PNP probing PH visit of Bondi Beach shooters
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

christopher de leon


Alamin ang relatable na istorya ng isang gay fashion designer na gagampanan ng award-winning actor na si Christopher de Leon.

Talagang espesyal at bongga ang month-long 19th-anniversary celebration ng iconic Kapuso program na Wish Ko Lang.

Bukod kasi sa mga maraming sorpresa at regalo para sa mga avid followers at viewers, mga kuwentong puno ng aral at inspirasyon ang hatid ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales, kasama ang mga bigating stars sa industriya.

Noong nakaraang Sabado, napanood natin ang unang 19th anniversary offering ng bagong Wish Ko Lang, tampok ang bagong Kapuso star na si Pokwang.

cast of mr right episode

Sina Patricia Tumulak, Christopher de Leon, at Vince Crisostomo sa “Mr. Right” / Source: Wish Ko Lang

Ngayong Sabado naman, July 10, ang respetado at premyadong aktor na si Christopher de Leon ang bibida sa kuwentong pinamagatang “Mr. Right.”

At hindi basta-basta ang nasabing episode dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong mapapanood si Christopher de Leon na gumanap bilang isang gay.

Jake ang pangalan ng karakter ni Christopher sa “Mr. Right” episode ng bagong Wish Ko Lang.

Isang talented na fashion designer si Jake na may isang maliit na boutique na kanyang pinapatakbo kasama ang kaibigang si Georgie, na ginagampanan naman ni 'First Yaya' actor Thou Reyes.

christopher de leon

Si Christopher de Leon bilang Jake / Source: Wish Ko Lang

Tahimik, simple, at masaya naman ang buhay ni Jake kasama ang kaibigang si Georgie, ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Romeo (Shido Roxas).

Si Romeo ay isang guwapong kontesero na bibihisan ni Jake para sa isang pageant.

Mahuhulog ang loob ni Jake kay Romeo at ibibigay niya ang lahat-lahat dito.

Matiwasay na magsasama sina Jake at Romeo ng limang taon, ngunit isang araw, biglang magugunaw ang mundo ni Jake nang magpaalam na sa kanya si Romeo dahil nais na raw nito magkaroon ng “totoong asawa at anak.”

Dahil sa sobrang pagmamahal ay palalayain ni Jake si Romeo kahit na napakasakit nito para sa kanya.

Kinalaunan ay mapapangasawa ni Romeo si Sarah (Patricia Tumulak) at si Kristof (Vince Crisostomo) naman ang magiging bunga ng kanilang pagmamahalan.

thou reyes and christopher de leon

Sina Thou Reyes at Christopher de Leon sa “Mr. Right” episode ng Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Ano kaya ang mangyayari kay Jake matapos niyang palayain si Romeo? Makakahanap pa kaya siya ng taong tunay na magmamahal sa kanya at 'di siya iiwan?

Huwag palalampasin ang unforgettable at historic na pagganap ni Christopher de Leon sa kanyang first gay role.

At abangan din ang special theme song para sa “Mr. Right” episode na pinamagatang “Kakayanin Ba?” na aawitin ng The Clash Season 2 Grand Finalist na si Jeniffer Maravilla.

Abangan lahat ng 'yan ngayong Sabado, July 10, sa pangalawang 19th anniversary episode ng bagong Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: