GMA Logo albert martinez and kelvin miranda
What's Hot

Albert Martinez, na-challenge sa role as ex-convict na ama sa 19th-anniversary ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published July 15, 2021 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

albert martinez and kelvin miranda


Silipin ang natatanging pagganap ng nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez sa 19th-anniversary episode ng bagong 'Wish Ko Lang.'

Isang nakakaantig na kuwento ang pagbibidahan ng nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez sa 19th-anniversary episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, July 17.

“A Second Chance” ang pamagat ng ikatlong anniversary offering ng bagong 'Wish Ko Lang' kung saan gaganap si Albert bilang si Fred.

Si Fred ay isang ex-convict na nakulong nang higit dalawang dekada matapos mang-holdap ng convenience store upang mailabas sa ospital ang nagkasakit niyang anak, at aksidenteng nakapatay.

albert martinez

Si Albert Martinez bilang Fred sa 19th-anniversary episode ng Wish Ko Lang na “A Second Chance” / Source: Wish Ko Lang

Sa kanyang paglaya, makakalasap man ng kalayaan na mamuhay muli sa labas si Fred ay magiging bilanggo naman siya ng kanyang nakaraan dahil hindi siya lubusang tatanggapin ng anak na si Lorenz (Kelvin Miranda) dahil dati siyang preso.

Sa trailer ng “A Second Chance,” nakakaantig ang sinabi ng karakter ni Albert sa anak nito.

“Hindi ko naman hinihiling na patawarin mo ko agad-agad, e. Sana lang 'yung…'yung bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”

Bukod sa 'The Lost Recipe' star na si Kelvin ay kasama rin ni Albert sa “A Second Chance” episode sina Cai Cortez na gaganap bilang kanyang kapatid na si Agnes, at si Crystal Paras na gaganap bilang Kristine, ang nobya ng kanyang anak na si Lorenz.

cast of a second chance

Sina Crystal Paras, Kelvin Miranda at Cai Cortez kasama ni Albert Martinez sa Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Kasama rin ng premyadong aktor ang bagong Kapuso hunk na si Luke Conde na gaganap bilang Henry, ang isa pang lalaki sa buhay ni Kristine, at ang aktor na si Akihiro Blanco na gaganap bilang kanyang anak-anakan sa loob ng bilangguan.

akihiro blanco and luke conde

Sina Akihiro Blanco at Luke Conde sa “A Second Chance” episode ng Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

May espesyal na theme song din ang “A Second Chance” episode na pinamagatang “Maniwala Ka Lang” na inawit mismo ni Kelvin.

Maayos pa kaya ang relasyon ng mag-amang Fred at Lorenz? Paano kaya mabibigyan ng pangalawang pagkakataon ang amang minsang nakagawa ng mali para sa anak?

Abangan 'yan at kung ano'ng magandang biyaya ang hatid ng Fairy Godmother na si Vicky Morales sa kanilang pamilya.

Huwag palampasin ang ikatlong 19th-anniversary episode ng bagong 'Wish Ko Lang' na “A Second Chance” ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong 'Wish Ko Lang' sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: