Showbiz News

Mga Kapuso comedians, nagbahagi ng kanilang mga alaala kay Comedy King Dolphy

Startalk TX na makausap ang ilan sa mga komedyanteng nakatrabaho at humanga sa kanya. Puro pagpupugay at magagandang kuwento ang ibinahagi nilahabang inaalala ang halos 70 years na pamamalagi ng nag-iisang Hari ng Komedya sa showbiz.

Para kay Michael V., isa si Dolphy sa mga dahilan kung bakit niya naisip na pasukin ang pag-cocomedy. “Yung pagnanasa ko na maging komedyante parang sa kanya ko nakuha. Bata pa lang ko siyempre yung pinapanood ko mga ganung pelikula na. Yung John En Marsha lagi kong sinusubaybayan,” kuwento niya.

“Personally hindi ko makakalimutan yung unang beses ko siyang napanood sa TV na isa sa mga dahilan nga na napunta ako sa ganitong trabaho,” dagdag pa ni Bitoy, “Siguro yung yapak na dinaanan niya parang yun din ang gusto kong sundan.”


Ang kakaibang style naman ni Mang Dolphy ang naging inspirasyon ni Bubble Gang mainstay Ogie Alcasid. “Lahat ng istilo niya ng pagpapatawa, yung pagbibihis babae, yung pagpapatawa niya na suwabeng suwabe, hindi masyadong nananakit ng damdaming ng ibang tao, yun ang tinularan ko sa kanya,” paliwanag ni Ogie.

Ayon naman kay Vic Sotto, ang pagiging mapagkumbaba ni Dolphy ang kanyang hinangaan. “Isipin mo Dolphy siya, mataas ang ranggo sa amin nun pero di mo siya makikitaan ng ganun. [Para sa kanya], parang pantay-pantay lang tayo dito,” notes Bossing.

Sumang-ayon naman dito si Bitoy. Ika nga niya. “Napaka-down to earth, napakadaling lapitan. Kahit sinong lumapit [sa kanya] actually parang matagal na niyang kakilala.”

Ang katangiang ito ni Dolphy ang tumatak kay Ogie. “Tatay siya ng lahat so andoon yung pagiging paternal niya sa lahat. Aalagaan ka niya,” he explains.

Bilib na bilib naman si Joey de Leon sa itinagal ni Dolphy sa industrya. “[Isipin mo], pitong dekada mong nakikita, TV, sine, stage. Kung nabuhay ka nung panahon ng Hapon napanood mo siya dun, pati recording [andun siya],” says the Protégé judge.

Mapapanood sina Ogie at Bitoy tuwing Biyernes ng gabi sa Bubble Gang at sa Pare & Pare every Sunday pagkatapos ng Pinoy Adventures.

Patuloy pa rin ang pagpapasaya nina Bossing Vic at ng mga Dabarkads sa Eat Bulaga, mula Lunes hanggang Biyernes ng tanghali.

Abangan din si Joey de Leon as one of the judges of the much-awaited Protégé: The Battle for the Big Artista Break, coming this August.