GMA Logo Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Rabiya Mateo
What's Hot

Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali spotted at dinner with Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

By Aimee Anoc
Published July 21, 2021 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Rabiya Mateo


At a private dinner, Kapuso beauties Sanya Lopez, Gabbi Garcia, and Bianca Umali were seen having a good time and having conversations with Rabiya Mateo.

Nakitang magkakasama kahapon, July 20, ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali at Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa isang private dinner.

Sanya Lopez Gabbi Garcia and Bianca Umali

Makikitang masayang nagkukuwentuhan sina Sanya, Gabbi at Bianca habang kumakain at nagpakuha rin ng litarato ang mga ito kasama si Rabiya.

Nakasuot ng gray na dress si Sanya, all black naman si Gabbi at naka-immaculate white si Bianca, habang naka-green gown naman si Rabiya.

Sanya Lopez Bianca Umali Gabbi Garcia and Rabiya Mateo

Nagpakuha rin ng photos sina Sanya at Rabiya habang hawak-hawak ang bewang ng isa't isa.

Sanya Lopez and Rabiya Mateo

Naging usap-usapan noong Hunyo ang posibleng pagsali ni Sanya sa Miss Universe kung saan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mismo ang nag-alok sa kanya para sanayin kung sakaling gustuhin nitong sumali sa nasabing beauty pageant.

Sanya Lopez

Nagsimula ito nang mag-trending sa social media ang bikini scene ni Sanya sa First Yaya kung saan marami ang humanga sa "jaw-dropping beach body" ng aktres. Dahil sa angking ganda at kaseksihan, hinikayat siya ng kanyang mga tagahanga na sumali sa Miss Universe.

May dapat kaya tayong abangan sa pagkikitang ito nina Sanya at Rabiya?

Samantala, mapapanood si Bianca sa GMA upcoming series na Legal Wives bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Balikan ang bikini showdown ng First Yaya stars sa gallery na ito: