Showbiz News

Bagong Heart of Asia shows, paparating na sa GMA-7



Kasabay ng bagong weekend program schedule nitong Agosto ay ang pagdating na rin ng mga pinakaaabangang Heart of Asia shows. Siguradong bubuoin ang inyong mga gabi ng mga Koreanovelang kakikiligan at aantig sa inyong mga puso.

Una sa listahan ay ang epic drama na Lee San, na magsisimula na sa July 30. Ito ay tungkol sa buhay ni King Jeongjo, ang 22nd ruler ng Joseon dynasty.  Dito matutunghayan ang pinagdaanan ni Lee San bago nakamit ang pagiging hari at ang mga problema at intriga na bumabalot sa kanyang palasyo. Bibigyan buhay ng actor na si Lee Seo-jin ang role na Lee San at si Han Ji-min naman si Seong Song-yeon, ang royal concubine na iibigin ni Lee San.

Malapit na ring mapanood ang Koreanovelang siguradong titingalain ng bayan, ang Moon Embracing The Sun. Tinaguriang highest-rated drama of the year, ito ay nanalo ng Best Drama and Best Actor sa katatapos lamang na Backsang Awards, which is considered as the Emmys of Korea. Kuwento ito ng isang secret relationship sa pagitan ng haring si Yeon Woo, who harbors feeling for his lost first love, at ng isang babaeng shaman na si Woi whose memories have been erased. Siguradong pag-uusapan ang engrandeng Koreanovela na ito na magpapakita kung papaano muling makuha ni Woi ang posisyon niya bilang Queen of Joseon sa kabila ng mga balakid sa kanyang paligid.

Bibigyan naman ng bagong kahulugan ang paghihiganti ng Angel’s Temptation.  StarringDong Yi’s Bae Soo Bin and Lee So Yeon, ang Angel’s Temptation ay tungkol kay Anna Joo, isang ulila na nagbabalak maghiganti sa pamilyang pumatay sa mga magulang niya. Inakit niya at pinakasalan si Cedric Shin, ang anak ng kanyang kaaway. Malalaman ni Cedric ang binabalak ng asawa, kaya may sarili rin itong plano ng paghihiganti pagkatapos maaksidente at magkaroon ng bagong mukha.

Kukumpletuhin naman ng Smile Dong Hae ang inyong araw sa pagsali nito sa GMA Telebabad. Isang kuwento tungkol sa pamilya at pag-ibig, samahan natin si Dong Hae sa kanyang paglalakbay mula Amerika papuntang Korea kasama ang kanyang ina.  Sa kanyang paghahanap sa kanyang ama ay makakahanap din siya ng bagong pag-ibig.

Ang The Baker King: The Big Return naman ay patuloy na namamayagpag tuwing umaga, samantalang malapit na ang nakakakilig na pagtatapos ng It Started With A Kiss 2 at Lie To Me.

Mapapanood ang Lee San simula nitong Lunes, July 30, pagkatapos ng I-Witness. Abangan rin ang Moon Embracing The Sun, Angel’s Temptation, at Smile Dong Hae sa GMA Telebabad, coming soon this August.