Showbiz News

DJ Loonyo, pumalag sa 'fake news' na statement umano niya laban kay Hidilyn Diaz

By Aedrianne Acar

Labis ang pagkadismaya ng TikTok star na si DJ Loonyo, o Rhemuel Lunio sa totoong buhay, na dahil sa kumakalat na fake post tungkol sa diumano'y pahayag niya na hindi pagsang-ayon sa incentives na ibinibigay kay Hidilyn Diaz.

Inukit ni Hidilyn ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Philippine sport nang iuwi niya ang first-ever gold medal ng bansa matapos manalo sa women's 55-kg weightlifting event sa Tokyo 2020 Olympics.

Dahil sa tagumpay ni Hidilyn, bumuhos sari-saring rewards at incentives mula sa iba't ibang organization at private companies.

Sa kabila nito, isang parody Facebook page ang nag-post ng diumano'y pahayag ng dancer na si DJ Loonyo tungkol sa di niya pagpabor sa mga natatanggap na pabuya ni Hidilyn.

Agad naman itong inalmahan ni DJ Loonyo.

Saad ni DJ Loonyo, “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA)

“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY!

“ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG “BOBO”?”

“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng “BOBO” “BOGO”, kala mo talaga kung sino. Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo..

“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSAIDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?

“ANYWAYS, ILANG TAON NA DIN AKONG NAGREPRESENT NG BANSA SA LARANGAN NG SAYAW, NAKAPAGDALA NG GINTO(DANCESTAR WORLD CHAMPIONS, CROATIA) WITHOUT ANY SUPPORT FROM THE GOVERNMENT, SARILING SIKAP AT SAKRIPISYO, PURONG PANANAMPALATAYA SA TAAS.

Kinagabihan nag-Facebook Live din si Loonyo upang bigyan-linaw pa ang ibang bagay tungkol sa kumalat na fake news.

Aminado ang social media star na nakapanlulumo na maraming netizen ang agad na naniniwala sa naturang post.

Dagdag niya na nakakalungkot na sa halip na nagpapahinga siya matapos ang sunod-sunod na trabaho ay ganito ang mababasa niya online.

Ani DJ Loonyo“Guys, nagpapahinga tayo kasi apat na araw na tayong [nagta-trabaho], nag-over fatigue tayo, dahil sa sobrang trabaho last week at the sametime sumali pa tayo sa Battle of YouTubers, so nag-over fatigue tayo.

“Nag-swab tayo, negative naman, so 'yun overfatigue talaga and then ito pa, alam mo 'yun ito pa 'yung madadatnan natin sa araw ng pagpapahinga natin,”

“Hindi ko gets kung bakit ganito tayo [mga] Pilipino, alam mo 'yun nasa kalagitnaan na tayo ng pandemya and then alam mo 'yun sobrang ang bilis natin pabilugin pagdating sa mga fake news.

“Napaka-simple na bagay, really, sino 'yung tangang tao na magsasabi ng ganyan. Hindi nga seryoso, 'pag babasahin n'yo 'yung post nung isang page na napaka-KSP [kulang sa pansin] and then alam mo 'yun that page is just meant for trolling and then alam mo 'yun manira ng tao.”

Narito ang ilan lamang sa mga matatanggap ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz: