advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: DJ Loonyo's showbiz career

1 of 6

All Out Sundays

Ang GMA Sunday noontime show na 'All Out Sundays' ang isa mga unang nakapag-guest kay DJ Loonyo, na nasa China noong panahong iyon. Sa kanyang virtual guest appearance, pinauso niya ang "Dati" dance challenge na sinubukan nina Rayver Cruz, Miguel Tanfelix, at Mavy Legaspi.

2 of 6

Production number

Hindi lang isang beses nakapag-guest si DJ Loonyo sa Stay Home Party edition ng 'All Out Sundays' dahil napanood din siya dalawa pang episodes nito, kung saan game siyang nakisayaw sa virtual production number kasama ang ilang Kapuso stars at isa riyan ang "Bad Boy ng Dance Floor" na si Mark Herras. Ayon kay Rayver, kaya malapit si DJ Loonyo sa GMA stars ay dahil naging choreoprapher siya musical variety show na 'Studio 7.'

3 of 6

Magpakailanman

Si Jak Roberto ang napililing bida sa life story ni DJ Loonyo sa July 18 episode ng '#MPK' o 'Magpakailanman.' Ayon kay Jak, naka-relate daw siya sa pangungutya na natanggap ng viral dancer at choreogprapher. Ika ng Kapuso actor, "Hindi talaga maiiwasan 'yun eh pagka public figure ka. May magawa kang maganda at hindi maganda, mayroon masasabi sa iyo 'yung tao."

advertisement
4 of 6

Controversy

Naging kontrobersyal ang pagpalalabas ng buhay ni DJ Loonyo sa 'Magpakainlanman' nang mag-react dito ang kanyang ex-girlfriend,na nabuntis niya, si Aika Flores. Naglabas naman ng statement ang kampo ni DJ Loonyo tungkol sa nasabing #MPK episode para depensahan ito. Nakasaad dito, "We, as a management and team, signed a contract allowing the program to enhance certain aspects of his life, because it is still, in fact, for a dramatic TV show retelling."

5 of 6

Recording artist

Ini-release ni DJ Loonyo ang kanyang first single na pinamagatang "Teka Muna" noong September 8 sa kanyang YouTube channel, na mayroong mahigit 1.31 million subscribers. Noong araw ding iyon, nakuha nito ang top spot sa iTunes Philippines.

8 of 6

Daddy's Gurl

Kung napatunayan ang husay niya sa dance floor, nasubukan naman ang comic timing ni DJ Loonyo kasama sina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza, at Wally Bayola sa October 3 episode ng 'Daddy's Gurl.' Ginampanan ng viral dancer sa Kapuso sitcom ang papel ni DJ Angel na bida sa deodorant commercial na shino-shoot ni Stacy (Maine Mendoza).

advertisement