GMA Logo kylie padilla andrea torres
What's Hot

Kylie Padilla, ipinasilip ang bed scenes nila ni Andrea Torres sa bagong proyekto

By Aimee Anoc
Published July 30, 2021 4:08 PM PHT
Updated July 30, 2021 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla andrea torres


Excited na ba kayong mapanood sina Beth at Cindy?

Ipinasilip ni Kylie Padilla ang behind-the-scenes nila ni Legal Wives actress Andrea Torres para sa bagong proyekto sa ilalim ng Rein Entertainment.

Sa Instagram, nag-post si Kylie ng bed scenes nila ni Andrea, kung saan makikitang magkasamang natutulog ang dalawa.

Makikita rin sa isang larawan ang pagyakap ni Andrea kay Kylie na para bang nagtatampo.

"Are you excited?" tanong ni Kylie sa Instagram.

Kasama rin sa caption ang hashtag para sa tambalan nila ni Andrea na #BETCIN, kung saan gagampanan ni Kylie ang karakter ni Beth at Cindy naman si Andrea.

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Sinundan pa ito ng isang post ni Kylie kung saan makikita ang mga taong nakasama niya sa proyekto pati na rin ang behind-the-scenes nila ni Andrea.

"Met so many good, interesting people on this set and I made friends. I'm not exaggerating when I say I will be so sad to hear the last "pack up!" from direk Shugo Praico today," sulat ni Kylie.

Dagdag pa nito, "I LOVE THIS TEAM, THE MATERIAL AND THE PROCESS OF MAKING THIS SERIES. Thank you for all the memories."

Nagbiro rin ang aktres na sana magkaroon ng season two ang proyekto nilang ito, "Until season two JK. But really praying for season 2. Nyahahaha!"

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Samantala, muling mapapanood si Kylie sa The Good Daughter, 4:15 p.m sa GMA Afternoon Prime.

Tingnan sa gallery na ito ang 'pogi' shots ni Kylie Padilla: