Showbiz News

Game of Affection: Tinanggihan ni Khae ang alok na kasal ni Wyatt

By Aimee Anoc

Sa ikatlong linggo ng Game of Affection, hindi pa rin sumusuko si Nikki (Taew Natapohn Tameeruks) na makuha ang posisyon ni Lucky (James Jirayu Tangsrisuk) sa kompanya ng amang si Wyatt (Chai Chatayodom Hiranyatithi).

Binalaan ni Wilma (Tanya Tanyares Engtrakul) si Lucky tungkol sa pagiging mabait sa kanya ni Nikki. Nalaman ni Wilma na nagpapanggap lamang ang anak sa pagiging mabait nito kay Lucky para sa kompanya.

Kinumpronta naman ni Nikki si Penny (Pear Pitchapa Phanthumchinda) sa pang-aagaw nito kay Garrett (Tao Sattaphong Phiangphor). Nais ng mga magulang ni Nikki na sila ang magkatuluyan ni Garett pero patuloy sa pang-aakit si Penny kay Garrett.

Samantala, tinanggihan ni Khae (Gul Amena) ang alok na kasal ni Wyatt para sa kasunduan nila ni Lucky. Nalaman na rin ni Khae na kaya nakipagkasundo sa kanya si Lucky ay para sa kapakanan ni Nikki.

Dahil sa panloloko sa kanya ni Lucky, gumawa muli ng paraan si Khae para makuha ang tiwala ni Wyatt. Nagsinungaling ito na kaya siya tumanggi sa kasal ay dahil sa inaapi siya ni Nikki.

Patuloy na panoorin ang Game of Affection sa GMA, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga.

Balikan ang mga eksena sa Game of Affection:

Game of Affection: Nikki and Lucky's love hate relationship | Episode 11

Game of Affection: Nikki confronts the queen of lies | Episode 12

Game of Affection: Wyatt is getting married | Episode 13

Game of Affection: Khae rejects Wyatt's proposal | Episode 14

Game of Affection: Khae acts innocent | Episode 15