Showbiz News

Kylie Padilla, sinagot ang tanong ni Andrea Torres: 'May iba ka na?'

By Aimee Anoc

Sa pangalawang pasilip ng paparating na proyekto nina Kylie Padilla at Andrea Torres, makikita ang intimate photos ng dalawa at ang palitan ng matatamis na mensahe ng mga karakter nina Andrea at Kylie.

Gagampanan ni Kylie sa 'BetCin' ang karakter ni Beth at si Cindy naman si Andrea.

"'Di ko alam ano meron ka, but there never seems to be a dull moment 'pag kasama kita. You're full of surprises, fun surprises... For that alone, I think I wanna be with you forever, Babe," sulat ni Beth.

"I love how you make me feel special every minute na magkasama tayo... 'yung efforts mo na alagaan ako, pagbigyan lahat ng trip ko... at sakyan lahat ng kabaliwan ko, katulad nito," sulat ni Cindy.

Sa mga susunod na tagpo, mapapansin ang pagbabago sa dating masayang relasyon ng dalawa.

"Sorry, hindi pala ako naka-vibrate," sabi ni Cindy.

Dagdag pa nito, "Ako lang ba may kulang?"

"Napagod na ako," sagot naman ni Beth.

"Kaya pa ba, Babe. Kailangan lang ayusin. Susuko ka ba agad?" tanong ni Cindy

"Kung pagod na tayo parehas... ano pang ginagawa natin dito?" dugtong ni Beth.

"May iba ka na?" sunod na tanong ni Cindy.

"Hindi na kita mahal," pagtatapos ni Beth.

Una nang inilabas noong August 6 ang trailer ng 'BetCin' kung saan makikitang nakasuot pangkasal sina Kylie at Andrea. Mapapansin din sa kalagitnaan na maglalakad papalayo sa isa't isa ang dalawa kung saan titingin pabalik si Andrea, gayundin si Kylie.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: