TV

Paolo Contis, nagkuwento ng kanyang karanasan sa unang lock-in taping ng 'I Left My Heart in Sorsogon'

By Aaron Brennt Eusebio

Bago pa ibalik ang enhanced community quarantine sa Metro Manila ay nakabalik na ang buong cast and crew ng inaabangang primetime series ng GMA na I Left My Heart in Sorsogon.

Ginanap kasi sa Sorsogon ang unang lock-in taping ng programa na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Sa isang mensaheng ipinadala ni Paolo sa GMANetwork.com, kinuwento niya ang kanyang experience kasama sina Heart at Richard.

Aniya, "Sorsogon was beautiful. The people there were very nice and helpful to us."

"Working with Heart was great. She has matured a lot as an actress mula sa last time namin nag-work. It was a pleasure working with her.

"Masaya rin katrabaho si Richard. Ang daming kwento."

Samantala, naging malapit rin si Paolo sa kanyang co-stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Sa isang Instagram stories, sinabi ni Paolo na nakakuha siya ng panibong kaibigan kina Kyline at Mavy.

Sulat ni Paolo, "My new favorites! @mavylegaspi @itskylinealcantara.

"I gotchu guys!"

Tinawag ni Paolo Contis ang kanyang co-stars sa 'I Left My Heart in Sorsogon' na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi bilang kanyang "favorites." / Source: paolo_contis (IG)/itskylinealcantara (IG)/mavylegaspi (IG)

Balikan ang nangyaring lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon dito: