
Ang 'Pepito Manaloto' star na si Manilyn Reynes ang bibida sa isa na namang kakaibang istoryang tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 14.
Si Manilyn ang gaganap bilang si Sara, ang babaeng nabansagang “Babaeng Unggoy” dahil sa 'di pangkaraniwang dami ng buhok na tumubo sa kanyang mukha.
Iikot ang kuwento kay Sara, isang maybahay na mabibigla nang malamang may kataksilang ginawa ang kanyang mister at matalik niyang kaibigan sa kanya.
Ang mas masakit pa ay alam pala ito ng kanyang dalawa pang kaibigan at siya lang ang huling nakaalam tungkol dito.
Reunited sa “Babaeng Unggoy” episode si Manilyn at ang kanyang 'Inday Will Always Love You' co-stars na sina Gladys Reyes at Tina Paner, at ang kanya ring 'Madrasta' co-stars na sina Almira Muhlach at Ahron Villena.
Si Gladys ang gaganap bilang matalik na kaibigan ni Manilyn, habang si Ahron naman ang gaganap bilang kanyang asawa.
Sina Tina at Almira naman ang gaganap bilang ang dalawa pa niyang kaibigan.
Makakasama rin nila ang Ang Dalawang Ikaw star na si Anna Vicente at ang Internet sensation na si Jomar Yee.
Ayon kay Manilyn, na-miss daw ang isa't isa ng kanyang mga co-stars at naging masaya ang reunion nila sa bagong 'Wish Ko Lang' episode.
Pero kahit daw nagba-bonding sila ay naging maingat pa rin ang lahat dahil tayo'y nasa gitna pa rin ng pandemya.
“Kahit malungkot at seryoso ang episode, masaya kami sa loob ng tent,” ani Manilyn. “Daldalan pero careful at may social distancing lagi, kahit alam naming negative ang resulta ng test naming lahat. Mas mabuti na yung maingat, at ginagawa ang part.”
Marami rin daw memories na kasama ang kanyang co-stars ang nanumbalik sa kanya sa kanilang reunion.
“'Yun mismong magkakasama at masaya lang. Nakaka-miss din kasi.
“Pero iba na nga ang panahon, kailangan maingat ang lahat.
“At siyempre, ang sagupaan namin ng paborito kong “kaaway“ (na mabuting kaibigan), si Chikchik (Gladys Reyes)😊”
Most memorable scene raw sa “Babaeng Unggoy” para kay Manilyn ang eksenang mabuking na ng karakter niya ang kataksilan ng kanyang asawa at matalik na kaibigan.
“Kasi ang hirap at ang sakit nun. Akala mo mahal ka nilang lahat, pero nagawa nila 'yun sa iyo. So ang emotions mo halo-halo - gulat, galit, awa sa sarili, patong-patong na.”
Sina Ahron Villena, Gladys Reyes at Manilyn Reynes sa “Babaeng Unggoy” episode ng Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang
Pumayag ding magpalagay ng prosthetics sa mukha si Manilyn para sa kanyang role sa “Babaeng Unggoy” at naging maganda naman daw ang experience na ito para sa kanya.
“Because it's different, at na-miss ko. Matagal na rin kasi ang huling role/character na ginampanan ko na naka-prosthetics😊
“At maalaga si Kuya prosthetics Nonoy ha, pati sina Emer at Boobey sa make-up. Sina Mama Ems at Ate Yeng din sa mga suot namin, at ang staff and crew, ang buong 'Wish Ko Lang' production😊”
Huwag palampasin ang “Babaeng Unggoy” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Samantala, balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: