Showbiz News

ALAMIN: Reaksyon ng ina ni Bea Alonzo sa pag-amin ng anak sa bago nitong love life

By Bong Godinez

Isa sa mga masugid na sumubaybay sa mga social media post ng aktres na si Bea Alonzo habang nakabasyon ito sa Amerika ay ang kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.

Kilala ng fans ni Bea si Mommy Mary Anne dahil sa madalas na paglabas nito sa vlog ng aktres at sa mga nakaaaliw na hirit at kuwento nito.

Katulad ng marami ay super updated daw ang kanyang ina sa bawat post na nilalabas ni Bea para i-share ang kanyang US adventures.

Siyempre, isa rin ito sa mga nakaalam sa pag-amin ng anak sa relasyon nito sa aktor na si Dominic Roque sa pamamagitan ng sweet photos at videos nila sa Instagram.

Maging ang ina daw ni Bea ay kinilig nang malaman na out in the open na ang relasyon ng anak sa aktor.

“I talk to my mom almost every day sa FaceTime. I'm happy kasi nga 'yong nanay ko never 'yan nakialam sa relationships ko,” saad ni Bea ng eksklusibo itong makausap ng GMANetwork.com kamakailan.

“With this one, ang cute kasi para kaming bestfriends na kinikilig siya, na tumatawag talaga siya sa akin, 'Oh my God, nag-post ka na pala sa internet!'

“Mahilig kasi si mama magbasa ng comments so siya 'yong nag-a-update sa akin kung ano 'yong mga sinabi ng mga tao.”

Natatawa at pabirong dagdag pa ni Bea, “Ganun kasi si mama, chismosang kapitbahay 'yan si mama, so siya 'yong nag-a-update sa akin, 'Uy, sabi ni ganito, ganito daw, ganun daw.'”

Turning serious, nagpapasalamat si Bea dahil mula noon pa man daw ay tahimik lang na nakagabay sa kanya ang ina sa mga desisyon niya sa career at personal niyang buhay.

“She's happy. Alam mo si mama kahit anong desisyon ko sa buhay as long as I'm happy and that person is good for me, wala kang maririnig kay mama.

“At the end of the day, she only wants what's best for me.”

At dahil nabanggit na rin lang ang career ay excited na rin si Bea na lumabas sa mga programa ng Kapuso network matapos ang kanyang pinag-usapang contract signing event nung Hulyo.

“Pinangako ko na iikot ako sa mga shows ng GMA and that's going to happen soon. Medyo nasira lang 'yong schedule dahil nga nagkaroon ng lockdown,” sabi ni Bea.

“Right now we're fixing my schedule but I know for sure that I will be [on] Mars Pa More, Unang Hirit, All Out Sundays, and alam ko may posibilidad na makita niyo rin ako sa Eat Bulaga and Bubble Gang.”

Pagpapatuloy ni Bea, “I'm very excited about it kasi ito [Eat Bulaga, Bubble Gang] 'yong mga shows na talagang institusyon na and I'm very excited to be part of it even for just one day or one night.”

Balikan ang masayang US vacation ni Bea sa gallery na ito.