Showbiz News

Game of Affection: Sinunod na ni Lucky ang kagustuhan ni Nikki na mag-file ng divorce | Week 8

By Aimee Anoc

Sa huling linggo ng Game of Affection, nalaman na ng buong pamilya ni Nikki (Taew Natapohn Tameeruks) na buntis siya. Hiling naman ni Lucky (James Jirayu Tangsrisuk) na muling makita ang ina nang maipaalam din na magkakaapo na ito.

Hindi naman inaasahan ni Nikki na muling makikita ang ina ni Lucky. Sa pagkikita, inaya ni Nikki ang ina ni Lucky na sumama na sa kanya dahil sabik na ang anak nito na muli siyang makita. Huling nakita ni Lucky ang ina nang papuntahin ito ni Nikki sa kasal nila.

Dahil sa lumalalang sakit, nagpakita na rin kay Lucky ang ina. Masaya si Lucky na sa huling mga sandali ng ina ay nakasama pa rin niya ito.

Samantala, kahit na masakit para kay Lucky, itinuloy na niya ang kagustuhan ni Nikki na mag-file ng divorce. Ayaw na ring pahirapan ni Lucky si Nikki dahil alam naman niya na wala talaga itong pagmamahal para sa kanya.

Nang maisilang ang bata, pinili ni Nikki na mapunta kay Lucky ang anak na si Isaac. Pero hindi rin ito nagtagal dahil hindi rin natiis ni Nikki ang anak.

Sa huli, humingi ng tawad si Nikki sa lahat ng masasakit na nagawa niya para kay Lucky. Hindi man madali para kay Lucky, pinili niyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Nikki.

Balikan ang mga eksena sa Game of Affection:

Game of Affection: Nikki find Lucky's mother | Episode 37

Game of Affection: Nikki's promise | Episode 38

Game of Affection: The latest addition to Wyatt's family | Episode 39

Game of Affection: Lucky files the divorce | Episode 40

Game of Affection: Nikki and Lucky's secret agreement | Episode 41

Game of Affection: Nikki admits her mistakes | Episode 42