Showbiz News

Game of Affection: Tuloy na ang kasal nina Lucky at Nikki

By Aimee Anoc

Sa ikaanim na linggo ng Game of Affection, nakilala na ni Nikki (Taew Natapohn Tameeruks) ang tunay na ina ni Lucky (James Jirayu Tangsrisuk). Bilang sorpresa sa kasal nila ni Lucky, inimbita ni Nikki ang ina ni Lucky sa kasal nilang dalawa.

Sa muling pagtatagpo, hindi nagdalawang isip si Lucky na yakapin ang ina dahil sa matagal na rin niya itong hinahanap. Ipinamigay man siya ng kanyang ina noong siya ay bata pa, mas nangibabaw kay Lucky ang pananabik at pagmamahal para sa ina.

Samantala, ikinasal na rin ang ama ni Nikki na si Wyatt (Chai Chatayodom Hiranyatithi) sa dating nobya ni Lucky na si Khae (Gul Amena). Sa pagbisita ni Wyatt sa opisina ni Khae, natuklasan nito na may pagtingin pa rin ang huli para kay Lucky. Dahil sa nalaman, pinili muna ni Wyatt na huwag pansinin si Khae.

Muli namang bumisita si Wilma (Tanya Tanyares Engtrakul) sa bahay ng dating asawa na si Wyatt at ipinaghanda siya nito ng pagkain. Naabutan ni Khae ang tagpong ito at hindi naiwasan na magselos.

Dahil sa nasaksihan, kinumpronta ni Khae si Wyatt at tinanong kung bakit kailangan pang bumisita ni Wilma sa bahay nito gayong mag-asawa na sila. Ibinalik naman ni Wyatt ang tanong kay Khae at sinabing bakit itinatago pa rin nito ang mga larawan ni Lucky gayong may asawa na siya.

Ano kaya ang tunay na motibo ni Khae sa pagpapakasal kay Wyatt?

Patuloy na panoorin ang Game of Affection sa GMA, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga.

Balikan ang mga eksena sa Game of Affection:

Game of Affection: The Real Mother of Lucky | Episode 26

Game of Affection: Lucky meets his mother | Episode 27

Game of Affection: Vacation of the newlyweds | Episode 28

Game of Affection: Wyatt found Khae's secret box | Episode 29

Game of Affection: Lucky's first love | Episode 30